Today, August 9th, officially marks our eighth year in Canada. Kung hindi ko pa nakita sa ‘on this day’ feature, hindi ko pa maaalala. Si Kenneth hindi na rin tanda.

Naisip kong gumawa ng Q&A portion por today’s bidyow.

General questions:

Why move?

Wala talaga akong planong umalis ng bansa. Kaso nung nagta-trabaho pa ko sa Optum, around that time, puro nurses and doctors lang yung hina-hire nila, so napapaligiran ako ng mga kapwa nurses. At ang madalas nilang topic ay yung mga applications nila sa iba’t ibang bansa. Merong may apply sa UK, sa Australia, meron sa US, Dubai, etc. Akong walang interes umalis, nabo-bore palagi pag yun ang topic. Pero dahil magkakatabi lang kami ng cubicles, I can’t help but overhear everything.

Hanggang isang araw na lang, habang yun pa rin ang topic nila, bigla na lang nag-pop-up sa isip ko, “Ano nga kaya?” May kamag-anak ako sa Canada. Meron din sa UK. What if i-try ko rin? Siguro nag rub off na lang sakin yung eagerness nilang makaalis. At dun na nagsimulang lumago yung idea.

Why Canada?

Kasi andun yung tito ko (specifically sa Winnipeg) and willing silang mag-asawa na i-sponsor kami. Canada yung path of least resistance.

How long was the application process?

Four years. Three years lang dapat kaso may nalimutan akong ipasa na requirement, kaya tumagal.

First impressions?

Ilang beses ko na ‘tong nakwento dito, pero disappointing. Akala ko kasi sobrang hi-tech and modern kahit saang lugar sa Canada. Sobrang taas lang siguro talaga ng expectations ko. Note: I’m only talking about yung aesthetic nung lugar. As in literal na first impression.

Bago mag-Canada, nakarating na kami sa Japan, SG, at Korea. So ang expectation ko, mas maganda pa sa mga yun yung mawi-witness ko. Pero in reality, mas maganda pa sa BGC hehe.

Aesthetics aside, napansin ko rin na ang lawak ng mga kalsada. Kung magka-traffic man, sobrang minimal compared sa Maynila. Tapos walang bumubusina! Ang friendly rin ng mga tao. Yung weather, ang dry.

Biggest culture shock?

Canada trust their people. Sobrang kakaiba na magsi-sick leave ako tapos ang sasabihin ko lang, “I’m not feeling well.” Hindi mo na kailangang mag-explain. Ni hindi mo kailangang i-mention kung anong specific mong nararamdaman kasi anything na health related ay confidential information.

Also, tipping.

Commonly asked questions from friends and other people:

Hindi ka naho-homesick?

Feeling ko ang tapang ko nung sinagot ko sya na hindi. Pero ganun pala sa first two years kasi nalilibang ka pa sa mga bagong experiences. But after our second year sa Canada, gusto ko nang umuwi. Umiiyak na ko kay Kenneth. Baka mas okay na bumalik na lang kami. Sobrang FOMO ko every time may mga family gatherings tapos tamang panood na lang ako ng pictures at videos sa GC namin. (If you’re a reader of my blog, alam na alam nyo ‘to 😭)

Pero nung nakalampas na ko sa bumalik-na-tayong-Pilipinas stage, kumalma na ko at na-accept nang dito na pala talaga kami. In short, hindi mawawala yung homesickness, paiba-iba lang ng intensity.

Magkano ang sweldo?

Syempre hindi ko sasabihin yung exact figure. Pero ang maiisagot ko ay: Minsan sobra. Minsan enough. Minsan kulang.

But what’s worth mentioning is, hindi sweldo yung nagpapa-stay samin dito. Kasi hindi matutumbasan ng pera yung safety, yung comfort and ease of living, and other privileges that this country provides.

What was your first job?

Health Care Aide. Pero 2 weeks lang ako tumagal. Ayoko na talagang mag-bedside. Si Kenneth, sa tech support daw.

Disclaimer: Swerte lang kami kasi karamihan, mag-start sila sa mga Mcdo or Tim Hortons. Pero maganda naman ang support ng Winnipeg sa mga newcomers, kaya may chance na makahanap ng work na in line with your previous career. Pero swertehan din talaga.

Not a question but a comment we frequently hear:

Hindi namin kaya ang lamig dyan!

Pag willing kang umalis ng bansa, hindi mo na iisipin yung weather. Ako, mas umiral yung excitement ko. Never kong na-consider yung lamig ng winter sa equation. Basta ang thinking ko, pupunta akong Canada. Tsaka sobrang dami nang Pinoy ang lumipat sa Canada kahit noon pa, diba kinaya naman nila??

Paano kayo nag-decide na i-give up yung Filipino citizenship nyo at mag-apply for Canadian citizenship?

Medyo nagulat ako dun sa tanong nya kasi sa isip ko, applying for Canadian citizenship was the natural next step. So yun ang sinagot ko sa kanya. Tsaka para sakin, Canadian lang ako in paper, pero Pilipinong-Pilipino pa rin ako. Sa isip, sa salita, at sa gawa 😂

And ang main reason ko lang bakit gusto kong maging Canadian ay para sa stronger passport. Hindi ko na kailangan ng visa para makapag-Japan! Yay! Dun pa lang sobrang panalo na haha.

Anong ginagawa nyo pag weekends?

Parang tulad lang naman sa Pilipinas. Mamasyal, kumain sa labas, mamasyal with family and friends, kumain sa labas with family and friends, tapos recently, nahihilig kaming mag-hike kung saan-saan.

Siguro ang difference lang between Canada and Pinas ay yung frequency. Sa Pinas, halos every weekend kaming may kasamang mamasyal at kumain. Pero dito, may weekends na kami lang ni Kenneth, may weekends na madaming yaya from friends. Hindi ganun ka-consistent tulad noon.

Hindi nyo ba nami-miss ang Filipino food?

Hindi. Bukod sa masarap magluto ang tita at tito ko ng Pinoy food, may mga Filipino restaurants din na okay. May nabibilhan rin ng mga Pinoy ingredients sa Asian store, kaya nakakapagluto din ako ng mga gusto kong Filipino food. Ang nami-miss ko ay yung luto ng Papa at Mama ko (huhu). Tsaka longganisang Lucban!

Ito naman, tanong namin nung bago pa kami sa Canada:

Gano po katagal bago makabili ng bahay?

Ang sagot nila samin, one year. Scam!! Haha. 6 years bago kami nakabili! Pero posible pa rin naman na mas mabilis sa 6 years. Siguro 3-4 years yung tingin kong realistic. Hindi one year haha! In their 50s na rin kasi yung pinagtanungan namin kaya baka yun yung reality nila dati. Pero sa ekonomiya ngayon, outdated nang sagot yung one year.

San kayo magre-retire?

I think ang common na sagot dito, at yun din ang sagot namin as of now, ay ang magpabalik-balik. 6 months sa Canada, 6 months sa Pinas. Pero may nagtanong samin na, “Eh pano kung hindi na kayo able mag-travel?” In other words, “San nyo gustong mamatay?” Tapos nahirapan kaming sumagot. Kaya sabi ko, “Kung san na lang abutin.”


Ito lang yung mga naisip ko. Byeee!

PS: Ito, hindi ko nami-miss sa Pinas.


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Posted in , , ,

Leave a comment