Meron akong ka-chikahan na friend. Kinekwento nya sakin yung conversation nila ng kapatid nya. Their shared complaint was, “Kelan ba sila magkakaanak? (kami raw and this other couple from our friend group) Tayo lang ba ang mahihirapan?? Hirap na hirap na tayo, etc…” Alam naman nya na decided kami ni Kenneth na ayaw namin magkaanak, but I think nabibilang sya dun sa group na nirerespeto nya yung ganung desisyon ng mga couples, pero hindi pa nya fully gets kung bakit. For them, being a parent is the default choice. Baka andun pa sya sa ganung level of understanding.
But it was enlightening. Sharing that conversation with me—between her and her sister—was an insight. May ganun palang thoughts ang mga nanay. “Mag-anak na rin kayo para mahirapan na rin kayo tulad namin.” I get it. I don’t take it against her. Totoo namang nakakapagbigay ng comfort pag may kasama ka sa paghihirap. Pero karamay na nya yung kapatid nya diba? Bakit lahat dapat kasali? Dun papasok ang, “The more, the merrier.” Haha.
Ang sagot ko pala dun sa friend ko, “Yaan nyo, konting years pa mas magiging independent na sila.” Pretty soon, hindi na ganun magiging physically demanding ang mga anak nila. We all know na isa sa pinakahihintay ng mga parents na milestone ay makapaglakad yung anak nila. And I think yung rason ay bukod sa sobrang nakakatuwang ma-witness, nakaka-relieve din, kasi mababawasan kahit papano yung time na kailangan silang kargahin.
Being around a lot of moms, isa yun sa mga chief complaints nila: “Ang sakit na ng braso ko!” Kaya every time magvo-volunteer kang magkarga ng anak nila, sobrang grateful nila. They don’t even have to say it. Mararamdaman mo yung relief oozing out from them. Kapag may umagaw ng baby nila sa pagkakarga, sobrang saya nila, kahit alam nilang temporary lang yung relief. (Ito naman ay based from experience lang. Baka naman meron ding mga parents na ayaw nilang ipakarga yung anak nila—pero hindi ko pa sila nami-meet.)
Dun sa thought nila na, “…para mahirapan na rin sila.” I don’t think they really mean it. Kaya nga may tinatawag na bugso ng damdamin. May mga bagay talagang lumalabas bigla-bigla pag nasa height tayo ng mga emotions natin. Yun siguro yung moment na hirap na hirap lang talaga sila, lalo pa at meron silang tig-isang toddler at tig-isang newborn. Pero pag kalmado ka na, kalmado na rin ang mga thoughts mo. Sino ba namang may gusto na maghirap ang kapwa mo tao.
Siguro yung hinaing ko sa kwento na ‘to ay, hindi ko ma-express yung thoughts ko. Kasi offensive. Dun sa sinabi nyang, “Kelan ba kayo magkakaanak para mahirapan na rin kayo.” Gusto ko syang i-“Back to you.” Gusto kong sabihin na, “Eh kayo, bakit pa kasi kayo nag-anak? Eh di sana pareho tayong madaming free time para gawin ang mga gusto nating gawin.” Haha diba ang offensive? Pero it goes both ways kasi. Sa kanila, ang comforting nung thought na sana lahat nahihirapan mag-alaga ng anak. Samin naman, ang saya nung thought na sana lahat walang child responsibilities. But just the same, I don’t really mean it either. Alam kong maraming struggles ang mga parents, but I’m also not naive to not know how fulfilling it can be. Ano namang karapatan kong ipagkait yun sa kanila.
Pag nakikita nila yung ibang couples na hindi nahihirapan pag-aalaga ng anak, it’s clear there’s some sort of envy there. But it’s fleeting envy. Kasi mas mananaig pa rin yung thought na hindi nila kayang ma-imagine ang buhay nila na wala yung anak nila. Iba ang love and bond ng mother and child. Pero yun din yung isang reason kung bakit ko napatunayan sa sarili ko na hindi talaga para sakin ang pagiging nanay. Sa dinami-rami ng kaibigan kong momshies, wala akong nararamdamang gatiting na envy toward them and motherhood.
I adore kids. Isa sa mga skills na proud ako ay kung gaano ko kagaling kunin ang kiliti nila. Magaling akong makipaglaro (pag nasa mood ako). Kaya siguro nasabi nung pinsan ko nung bata pa sya na ako raw ang favorite cousin nya. Tapos yung isa ko pang pinsan, second mommy daw nya ko. Until now na 17 y/o na sya, ang tawag nya pa rin sakin is ‘second mommy’, minsan ‘meowmy’. But liking kids and having kids are two very different things. Kaya hindi ko yun kinonsider as a sign na dapat akong maging ina.
Yun lang naman. Let’s continue to be better friends to our momshie friends—and for momshies to be better friends to their non-momshie friends as well.
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
