Categories
Free Posts Life

Life in Canada (Kenneth’s Version)

Kinikwento ko kay Kenneth yung mga sinulat ko dito at tinanong ko sya kung meron ba syang madadagdag. Ang dami ko pa palang hindi naisama. Interestingly, yung mga naisip nya ay puro positives about Canada. Yung sakin kasi napansin kong may bias pa rin ako sa Pilipinas. Buti na lang pinaalala sakin ni Kenneth yung iba hehe.

  1. Hindi nawawalan ng tubig. Nung sinabi nya ‘to, napa-“Oo nga ano!” ako. Sa kuryente naman, sa almost 8 years namin na nakatira dito, siguro dalwa or tatlong beses lang namin na-experience ang brownout. Tapos mabilis lang din bumalik.
  2. Mas responsable ang mga drivers at mapagbigay sa daan. Hindi na raw umiinit ang ulo nya pag nagmamaneho. Dito sobrang rare na makarinig ka ng busina ng sasakyan. Nanibago rin ako dun nung una. Ang tahimik ng kalsada.
  3. Hindi ka rin matatakot tumawid kasi patawid ka pa lang, titigil na ang mga sasakyan. Sanay ako sa Pinas na ide-delay ko yung pagtawid ko para mag-give way sa sasakyan. Pero dito kahit ikaw na yung huminto, titigil pa rin sila para makatawid ka muna. Minsan nga hindi na ko lumilingon sa kanan at kaliwa kasi alam kong hindi nila ko babanggain 😂
  4. Satin, lalo na sa Maynila, dapat lagi kang alert. Kasi hindi mo alam kung target ka na pala ng modus or snatcher. Di ko alam bakit hindi ko ‘to naisip kasi isa sa mga reasons bakit naging buo ang loob kong umalis ay dahil sa experience ko sa isang snatcher. Dito mas at ease ka. Ibang-iba nga naman ang nagagawa pag meron kang peace of mind.
  5. Pag burara ka (tulad ko) at naiwan mo yung phone or wallet mo, mataas yung chance na pagbalik mo, nandun pa rin kung san mo iniwan. Or kung merong lost and found, dun mo mare-retrieve.
  6. Di ko ‘to agad naisip kasi wala kaming anak, but if you have children below 18, may certain amount na binibigay ang government monthly per child. Libre rin ang education hanggang highschool sa public schools.
  7. Sa mga momshies, mas mahaba ang paid maternity leave—up to 18 months.
  8. Mas kita raw kung san napupunta ang tax. True naman. Dun pa lang sa free health care at free education very evident na. Ang dami ring financial assistance from the government lalo na sa mga low-income earners.
  9. Lastly, legal ang weed.

Thank you Kenneth for your contribution 😂


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment