May mga times na gusto kong magsulat dito pero sabog sabog yung thoughts sa isip ko. Di ko alam kung san ba ko magfo-focus. May mga times din na instantly, alam ko agad kung tungkol saan ang gusto kong isulat. Sa mga times na ganito, na wala akong mahagilap na topic pero andun yung desire kong magsulat, nagsisimula ako sa kung ano bang nararamdaman ko.
Ano bang nararamdaman ko?
“Ang lamig!”
So pwede akong magsulat tungkol sa weather at ikwento na nag-s-snow nanaman.

“Hindi ako nagugutom.”
Kasi kakakain ko lang 1 hour ago. Ang sarap nung niluto kong pork belly bistek at nung binili naming chop suey (may pagka-mushy lang yung veggies).
“Gusto ko nang kumita ng pera.”
Kaso nauumay na ko dito sa frustration na nararamdaman ko. Wala namang mangyayari kung malungkot at mag-iyak ako. Pagdating sa problemang ‘to, aksyon ang kailangan ko, hindi pagmumukmok. Ang dami ko na masyadong negative emotions tungkol dito. Gusto ko nang mag-move on. Quota na.
“Excited akong mag-cross stitch today.”
Happy ako na araw-araw, excitement ang nafi-feel ko pagdating sa cross stitching. Basta ang saya ko kahit sobrang bagal ng progress. Medyo malaki kasi yung project na pinili ko. Pa-tatlong buwan ko na syang ginagawa pero wala pa ring nabubuo na comprehensible image.

Pero natutuwa akong isipin na stitch by stitch, eventually, matatapos ko sya at mare-reward ako nung complete and beautiful image sa huli. Sobrang looking forward ako sa moment na yun.
“Nakakatamad mag-exercise.”
Wala nang bago.
“Ayoko na talagang mag-Instagram.”
Again, walang bago. Ang taas lang ng motivation ko today kasi kakabasa ko lang nung article na ‘to about how social media makes our lives shorter.

Pero ang galing ko na natanggal ko na talaga sa sistema ko ang TikTok at Threads! Kaya ikaw Instagram, it’s only a matter of time mwahaha..
“Excited akong manood ng Oscars.”
By chance, tatlong movies yung napanood ko among the Best Picture nominees.
- Sinners
- Marty Supreme
- Frankenstein
Na-curious tuloy ako kung sinong mananalo kasi maganda sila lahat—pero sana Sinners. At dahil sa Sunday pa ang Oscars, naaaliw akong makinig ng mga winner predictions. Laging nabi-bring up yung movie ni Leonardo DiCaprio na One Battle After Another kaya pinanood namin kagabi. Ang ganda rin! Pero Sinners pa rin ang pambato ko.

I expressed my annoyance kay Timothée Chalamet recently, kaya sana si Michael B. Jordan ang manalo na Best Actor. Next ko sa list ng papanoorin ay yung kay Emma Stone (Bugonia). Pinagiisipan ko pa kung papanoorin ko rin ba yung Hamnet and the other films on the nominees list.
“Gusto ko nang maligo.”
Para magkapag-cross stitch na ko.
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
