Categories
Ramblings Hobbies Free Posts

My Love & Hate Relationship with the Algorithm

Dahil mahilig akong mag-journal at meron akong physical planner, naturally, magiging interesado ako pag nakakita ako ng article na ang title ay, ‘Everyone’s going analog’ or ‘The Analog Bag’ (analog bag??). Ngayon ko natutunan na maging extra careful sa mga kini-click kong links kasi once pumindot ako, kukuyugin na ko ng algorithm ng mga content na puros yun na lang. Nakakaumay!

At dahil na-sense nya na interesado ako sa mga ganitong klaseng content, tinadtad nya rin ako ng mga articles na ang title naman ay, ‘Why I Quit Instagram’ at ‘I’m leaving Instagram. Here’s why…’ Please tigilan nyo na kooo. Okay lang naman sakin yung pangilan-ngilan na post, pero utang na loob wag naman sunod-sunod. Bigyan mo naman ako ng something na kakaiba.

Minsan, natutuwa rin naman ako sa kanya (I must admit). Alam kong once nag-click ako ng isang video ni Cillian Murphy, ire-reward nya ko ng mga Peaky Blinders clips ni Tom Shelby, mga interviews nya, and those satisfying ‘disappointed Cillian Murphy’ memes. Dito ako hindi nauumay. Dito ako masaya at thankful kay algorithm. Keep it coming!

Pero pag mga articles and essays na yun at yun na lang ang topic, nakakasawa. Pare-pareho lang naman kasi ang sinasabi. One time may binabasa ako, tapos napatigil ako at na-confuse. “Diba nabasa ko na ‘to??’ Pero pag-check ko ng history, magkaibang tao pala yung nagsulat. Magkatulad kasi eh. Pati kung pano nila sinimulang isulat yung intro magkahawig. Nakakatawa. Dito ko naisip na ito na yung sign na mag-take a break muna sa internet kasi nagiging echo na ang lahat.

Pero tingin ko ito yung pinaka-nakakaloko: kapag nagta-transform si algorithm. Let me explain. So diba nga, ang lumalabas sa feed ko ay puro: ‘Analog is the way chuchu.. Get off the internet blah blah..’ tapos bigla kang babanatan ng, ‘Leaving Instagram Didn’t Fix Anything’ at ‘Stay on your phone’ Naging polar opposites bigla! Pinaglalaruan ka talaga!

Mas naging klaro sakin ngayon ang mga signs kung kelan kailagan mo munang mag-pause:

  • pag napansin mong nagbabasa ka ng iba-ibang articles pero parang iisa lang yung nagsulat
  • pag tinatadtad ka ng paulit-ulit at similar na topics at nagkakaron na ng umay factor
  • pag biglang nag-360 yung content para ma-shock ka at ma-curious na mag-click ng mag-click

Dito ko rin nari-realize na mas makakabuti pang magbasa na lang ako ng libro. Yung makakapili ako ng something na sobrang layo sa kung anong binibigay sakin ng feed ko. Something refreshing. Either yun, or totally ipahinga ko muna yung utak ko sa pamamagitan ng pagluluto, o kaya naman ipagpatuloy ang aking pagko-cross stitch. Basta pag binigyan ka na ng sign na tumigil ka na, tigilan mo na.

Kumain na lang tayo ng nilaga

Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment