Categories
Travel Japan Family Osaka

Day 3: USJ Day | Japan 2024 Series

Feb 22, 2024

* this has been in my drafts for sooo long and I’m still not giving up finishing this Japan travel blog series

I’m excited na makabalik sa USJ at makasakay ulit sa Flying Dinosaur, my favorite ride. Pero ang sad na wala na yung isa kong favorite, yung Space Fantasy. Huhu whyyy.

My kyot sistar. Muka ng Mama haha!

Hindi ko alam bakit naligaw nanaman kami papuntang USJ. Nagmamadali pa naman kami para makakuha ng free timed ticket to Nintendo World. Pero buti na lang umabot pa rin kami. Gusto kasi ni Tricia na bumili kami ng Express Passes na pagkamahal-mahal para sure yung entry namin sa Nintendo World. Pero buti na lang nagtiwala sya sakin na makakakuha kami for free. Tsaka hindi peak season kaya rin siguro nakapasok kami.

Super cute nung mga naka-costumes!

Unang stop ay Flying Dinosaur. Tanda ko kasi last time, two hours kaming nakapila dito ni Kenneth, at ayoko nang maulit yun. Pero since maaga pa, mga 20 minutes lang ata kami naghintay. Nagtatatalon ako habang nakahawak kay Tricia sa sobrang excitement. Tapos ang swerte pa kasi napapunta kami sa unahan. Kaso I’m not sure why, pero hindi ko super na-enjoy yung ride this time. Baka masyado ko syang na-hype sa utak ko. But I’m glad mukang nag-enjoy naman si Tricia.

Meron nga pala kaming baon na food kahit bawal hehe. Bumili kami ng sandwiches sa 7-11 at nilagay sa bottom part ng mga bags namin para hindi makita upon inspection. Ang mahal kasi ng food sa USJ. At dahil super lamig, pumasok kami sa Mel’s Diner para magpainit. Nag-order lang kami ng soup and fries, at dun namin kinain ang 7-11 sandwiches namin ng pasimple.

Next ride: Hollywood Dream. Four out of five stars lang ang rating ko dito last time, pero for some reason, ito yung naging favorite ko ngayon. Dito ko naisip na sana kumuha kami ng Express Pass kasi gusto naming umulit. Kaso ang mahal kasi talaga—₱5k??! Saka na pag marami na kaming pera. Ang dami ko nang mabibiling journaling stuff at kung ano-anong souvenirs sa ganung halaga.

1:30PM pa yung timed entry namin sa Nintendo World. Pumunta muna kaming Mario Café para i-try yung viral desserts nila.

Okay naman. It’s cute.

Nung papalapit na kami sa loob ng Nintendo World. Wow. Super amazing! Na-immerse talaga ko dun sa Super Mario game na baliw na baliw kami noon. Wishing our brothers were there with us.

Triny namin yung Mario Kart ride. Sobrang waley. Haha. Ang tagal pa naman naming pumila. As in dalwang oras ata. Bad trip.

Yung pinaka-excited si Tricia ay sa Wizarding World of Harry Potter. Excited din naman ako kasi sabi ko last time, gusto kong ma-experience sya ng night time. Kasi iba raw yung feels pag gabi. Totoo naman. Mga 2 hours ata kami nagtagal dito. Dito na rin kami nagdinner kahit sabi ko sa kanila hindi masarap tapos sobrang mahal. Pero gutom na rin kami at libre ata ng Mama ang dinner namin.

Bumili nga pala ko ng mga souvenirs pero ang pangit nung kulay. Yung mga Gryffindor items, hindi scarlet red tulad nung nasa movie. Basta para syang may tinge ng fuschia. Particular pa naman ako sa mga shade. Kaso hindi kasi ako bumili ng souvenir nung last kong punta, so bumili na lang ako ng keychain at ng spa headband. Tapos yung scarf na binili ni Tricia, iba rin yung shade. Basta iba yung pagkapula. Hindi ako nagandahan. Hindi naman ganito last time na punta ko. Naubusan siguro ng tela yung manufacturer, tapos pumayag na rin ang USJ kasi malakas siguro ang kita nila sa mga souvenirs. Basta na-turn off ako ng slight.

Diba? Parang maroon yung kulay hindi Gryffindor red.

Ayoko nang bumalik sa Japan ng winter. In Canadian standards, hindi naman ganun kalamig. 2°C lang naman. Kaso ilang oras kaming naka-expose sa 2°C at hindi ko na kinaya. Ang sama na ng pakiramdam ko nung huli. Sobrang nakakapagod at ang sakit na ng lalamunan ko. Barado na rin ang ilong ko. Hays pasira ng bakasyon.

JAPAN 2024 SERIES

Day 1: “Business Class” + KIX + Late Dinner at Matsuya

Day 2: Osaka Castle + Umeda Sky + Ichiran

Day 3: You are here

Day 4 to 9: Coming soon


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment