
Pag nakakakita ako ng mga videos ng mga farmer’s market haul, natutuwa ako. Parang ang saya nyang activity. Na-experience ko na sya dito pero hindi ako natuwa. Hindi kasi maganda yung farmer’s market dito sa Calgary—to be fair, isa pa lang naman yung napupuntahan ko. Pero ang layo rin kasi dito sa lugar namin. Tapos hindi sya yung farmer’s market na na-iimagine ko. Ang gulo dun sa napuntahan namin. Ang isa ko pang dilemma, once andun na ko, na-o-overwhelm ako sa nakikita ko at hindi ko alam kung anong mga bibilhin ko. But I think nakahanap na ko ng solusyon.
Few weeks ago, nag-place ako ng order for a small box of random fruits and veggies. Parang mas gusto ko yung ganito. Yung wala akong choice sa makukuha ko. Bukod sa hindi ko na kailangan magisip, makaka-try pa kami ng mga fruits and veggies na hindi namin normally maiisipang bilhin. May pagka-farmer’s market aspect rin sya kasi yung ibang produce ay galing directly from local farmers.
After weeks of waiting (kasi once a month lang sya available), finally na-pickup na namin sya last Friday. This community program called ‘Good Food Box’ is volunteer led. May isang ‘depot coordinator’ kung saan ide-deliver sa kanya yung mga boxes on a specific date, tapos kaming mga nag-order, pupunta sa bahay nya para i-pickup. Sadly, may announcement si depot coordinator na hanggang April na lang daw sya magvo-volunteer.


Paguwi sa bahay, excited akong mag-unbox. Since wala ako masyadong idea kung anong mga nasa loob, enjoy na enjoy akong isa-isahin yung mga gulay at prutas. Natuwa ako nung nakita ko yung melon kasi hindi kami bumibili ng melon. Merong mga basic stuff tulad ng patatas, sibuyas, at apples. Pero merong isang unfamiliar na gulay na kahit sinend ko na kay ChatGPT at Gemini, paiba-iba sila ng sinasabi. Pero feeling ko beets yun. Malalaman ko for sure pag hiniwa ko na sya.
For $35, ito yung mga nakuha namin:
- 1 kg carrots
- 1 zucchini
- 2 large tomatoes
- 1.5 kg onions
- 1 cucumber
- 6 apples
- 3 oranges
- 1 melon
- 1 bunch celery
- 1 lettuce
- 2.25 kg potatoes
- 2 orange bell peppers
- 1 large sweet potato
- 1 avocado
- 3 beets (?)
Since dalwa lang kami ni Kenneth, ang dami! Pero kahit ang dami at ang random nung mga nakuha naming produce, excited din ako sa idea na maghanap ng mga recipes para ma-maximize sila lahat ng hindi nabubulok. Na-challenge yung isip ko kung ano yung dapat i-prioritize, alin yung prone mabulok agad, at siguraduhin na every time may lulutuin ako, dapat naka-incorporate yung mga gulay na meron kami. Since ang dami naming carrots at patatas, isa yun sa mga priority kong unahin.

Ang perfect na may kasamang orange dun sa box kasi finally, magagawa ko na yung orange-carrot olive oil cake na naka-save sa recipe box ko. Tatlong carrots agad yung nabawas nung ginawa ko ‘tong recipe. At since hindi ako mahilig kumain ng orange (nakakatamad kasi syang kainin), natuwa rin ako na nabawasan ng isa yung oranges.


Ang next sa menu ko ay embutido. Hindi masyadong nabawasan yung mga gulay dito kasi meron pa kaming stock ng sibuyas at lara. Pero nabawasan ulit yung carrots. Ang kasunod kong ginawa ay tuna egg salad sandwich (with sliced apples for dessert) para magamit ko yung tirang crushed pineapple from the embutido, plus magagamit ko rin yung celery, cucumbers, at lettuce. Saya!



Gamit na gamit yung carrots kasi nagluto naman ako ng chicken afritada after. Meron pa rin kaming stock ng patatas bukod dun sa nasa box, kaya kelangan ko ng maraming recipes na kailangan ng maraming patatas (unfortunately, hindi ako mahilig sa mashed potatoes). Ang naisip kong lutuin ay pork ribs nilaga at caldereta para mabawasan ang mga patatas.
At para mas mabawasan pa ang mga carrots at patatas namin in a major way, gagawa ako bukas-bukas ng roasted veggies (finally malalaman ko na kung ano yung mystery gulay). Magagamit ko rin dito yung zucchini, bell peppers, potatoes, sweet potatoes, carrots, onions, at beets (kung talagang beets nga sya). Gagawa rin ako ng baked chicken or salmon para ka-partner nung roasted veggies. At para hindi sobrang dry, baka gumawa ako ng tzatziki sauce para din ma-utilize yung pipino.

I’m excited to continue figuring out this food puzzle. Ang tanging hiling ko lang ay wag akong tatamarin magluto. Pero feeling ko naman, hindi yun mangyayari kasi sobrang masasayangan ako sa mga gulay na mabubulok.

Nangingibabaw yung enjoyment ko for this challenge na ma-utilize lahat ng nasa fridge—may kahalo syang konting stress I must admit, but it’s a good type of stress. Mas ito pa nga yung nagpapa-motivate sakin magluto, kesa dun sa isa pang benefit na makatipid kami. Pag naglaban yung katamaran kong magluto versus sa thinking na makakatipid kami from food deliveries, mas mananalo yung katamaran. Pero pag ang magkalaban ay katamaran versus mabubulok yung mga gulay, mas mananalo yung mga gulay.
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
