You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍
Hello Panda
Nung nagta-trabaho pa ko sa Maynila, madalas akong mag-bus mula probinsya namin papuntang Makati. At minsan, may makakatabi ako na may naka-ready syang snacks (4 hrs din kasi ang byahe) tapos maiinggit na lang ako habang sarap na sarap sya sa pagkain ng Hello Panda (minsan Chips Ahoy or Oreos). Nakakainis. Bakit nga ba hindi ko naisip mag-baon? Tamang wishful thinking na lang ako na sana alukin nya ko kahit isang Hello Panda lang. Tapos matatawa lang ako dun sa thought kong yun kasi ang unusual naman na gagawin nya yun. Kahit ako hindi ko yun maiisip gawin kasi parang weird.
Sa dinami-raming beses na sumakay ako ng bus, never nangyare na may nag-alok ng pagkain. Kaya nagulat na lang ako nung nasa flight ako papuntang Winnipeg last month. May nakatabi akong babae (feeling ko mas bata sakin) tapos inalok nya ko nung kinakain nyang sweets! Bumalik yung mga bus memories ko at natuwa ako. Ang thoughtful naman nya! Pero tumanggi ako kasi hindi naman ako gutom (kung Hello Panda pa yun).
Touch ID
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.
