Categories
Family Life

Sa Pelikula Lang Yun

Few days ago, may tinatapos akong post about something na medyo fun and light—kasi nga puro malulungkot lang yung nangyayari at ayokong yun na lang lagi ang topic ko. Pero ngayong wala na ang Mommy, pano ko pa yun matatapos? Kelan na kaya ulit ako makakapagsulat about something fun and light?

Hindi naman ako minu-minutong umiiyak. Kaya ko pa rin namang ngumiti at matawa. Kaya ko pang manood ng TV at maintindihan yung pinapanood ko. May mga times na wala akong ganang kumain, pero kumakain pa rin ako nonetheless. In short, kaya kong maging normal sa paningin ng ibang tao. Pero pagkatapos ng few seconds/minutes of distraction, ang Mommy agad ang sumusulpot sa isip ko. Mararamdaman ko ulit yung bigat. Actually, hindi naman sya nawawala. May mga bagay o tao lang na nagpapagaan nung bigat.

Kausap ko ang Kuya kahapon at nagkikwentuhan lang kami about our childhood memories with Mommy. Nagusap din kami about grief. Sabi nya, hindi nya raw alam kung anong mararamdaman minsan. Pag may mga bagay raw na matatawa sya, kine-question nya raw yung pagtawa nya. “Tama bang matawa ako ngayon?” May iba rin syang tanong na tinanong ko rin sa sarili ko tulad ng, “Hindi ba dapat nung nalaman kong wala na ang Mommy naiyak ako agad?” “Hindi ba dapat lagi akong malungkot?” Pero sabi ko sa Kuya, walang tama at maling reaction. Wag na natin i-question kung ano ba ang “dapat” kasi wala namang ganun. Tsaka kahit gano kasaklap ang nangyari, imposible namang malungkot at humagulhol lang kami buong araw, araw-araw. Hindi kakayanin ng katawan natin. Sabi nya, “Oo nga. Sa pelikula lang yung mga ganun.”

Iba’t ibang tao, iba’t ibang way of grieving. Tulad ng Kuya, makikipagkwentuhan sya at magre-reminisce. Ako, eto, nagsusulat. Yung iba hindi makatulog at makakain. Yung iba dadaanin sa pagkain. May hindi makausap. Merong magiinom. Merong mukang normal tapos mamaya luluha na lang. Yung iba dadaanin sa jokes. Yung iba dadaanin sa madaming posts at mahahabang captions. Pwede ring all of the above. Again, walang tama o mali. Walang template o script na kailangang sundin. Ang buhay ay hindi pelikula.


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

2 replies on “Sa Pelikula Lang Yun”

So sorry for your loss. You have such a beautiful relationship with your grandmother. It is rare and special. I enjoyed your stories about her. Thank you also for this comforting piece on grief. 🤎

Liked by 1 person

Leave a comment