Categories
Family Free Posts Happy Things Life Motherland

Happy Things #26 | Let the Light In

In dark moments, it’s important to welcome every bit of light that makes its way in.

ILY Mommy

More than two weeks na ang Mommy (lola sa Mama’s side) sa ospital. There were bad days, and not-so-bad days. Yung ibang kamaganak namin, ang madalas na tanong sa Mommy ay, “Uuwi na tayo?” kahit super unknown pa naman kung kelan talaga makakauwi ang Mommy. Feeling ko nakukulitan na ang Mommy kasi paulit-ulit na uuwi raw pero hindi naman nangyayare. Hindi nya pa kayang magsalita, pero sa mga times na nasa mood sya or may energy syang mag-respond, tumatango lang sya or umiiling. And if we’re lucky, she smiles 🥹

Tagal nyang nakapisil sa kamay ko 🤍

Sa lahat ng mga words of encouragement na sinasabi namin sa Mommy to communicate na, “Kaya mo yan Mommy!” naisip ko, parang walang nagtatanong sa kanya ng question na, “Kaya mo pa Mommy?” So yun ang tinanong ko nung isang araw. And tumango sya! Na-relieve lang ako, kasi mapapaisip ka minsan kung nagiging selfish na ba kami na ilaban ang Mommy, tapos sya pala hirap na hirap na at ayaw na nya. So I’m happy that Mommy, and the rest of our family, are on the same page.

Sunset

From Mommy’s hospital window

Cousin love

To Isabelle & Illysa: wag nyo ‘tong babasahin.

After 1 week straight na bahay-ospital-bahay, gusto ko lang ng change of scenery. So nag-mall kami.

Kasama ko yung dalwa kong pinsan dito. May pagka-motherly ako ng very slight sa kanila kasi nawitness ko silang lumaki, and very clingy nila sakin nung mga bata pa sila. Pagsakay namin ng sasakyan, nauna yung magkapatid na pumasok. Sabi ni Isabelle nung nakita nyang si Illysa yung makakatabi nya, “Si ate sa gitna!” Aww. So medyo kagulo kami para sa gitna ako makapwesto. Sabi ng Mama na nasa unahan, “Bakit kayo’y hindi magkaintindihan diyan??” Sabi ni Isabelle, ako daw dapat sa gitna para daw equal yung attention ko sa kanila. Haha. Nagpa-cool lang ako na, “You’re so clingy!” pero deep inside I’m so touched. Hays. To be loved.

Finally!

After being locked from my BDO account for almost a year, na-withdraw ko na rin sa wakas yung natitira kong pera. Nasa 60k din yun! Plus yun ang gagamitin kong budget pagbalik namin this July. Dami kong pinagdaanan sa BDO account ko na yun at sobrang worried pa ko na baka hindi ko na sya ma-access, or baka ma-hack yung account ko kasi idle. Thankfully, nawithdraw ko na. Nabawasan rin ang isa sa mga isipin ko.

KFC’s new fried chicken

Simula nung umuwi ako dito sa Pinas, everyday na kong bantay sa ospital, so halos everyday din ang padeliver namin. May inorder yung kapatid ko na bago ng KFC: salted caramel chicken. Sobrang na-shock ako dun sa combo. Di ko masyadong ma-imagine yung lasa. Tapos nung natikman ko na, ang sarap nga! Try ko yung twister variant next time.


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment