Walnut’s okay!

Walnut’s health scare is over! Feeling ko hindi naman talaga sya na-poison nung lily kasi naisuka nya naman agad, pero sabi pa rin nung vet, kelangan syang i-monitor for 72 hours to make sure hindi tinamaan yung kidney. Thankfully, normal yung apat nyang blood tests and she’s in the clear. Ang nakakaasar lang ay yung pilay nya caused by the nurses nung tina-try nilang i-restrain si Walnut para kunan ng dugo. Ka-badtrip. Accountable naman sila ang they will cover all expenses related to her limp (dapat lang!), pero nakakainis pa din. I think nag-iimprove naman yung pilay nya and aside from that, she’s healthy and well and back to her old self.
Bukod kay Walnut, may konting (or madaming) paranoia din ako dun sa dalwa kasi what if hindi ko nakita na may na-ingest din pala silang part nung lily? Kasi kahit yung gatiting na pollen pwede rin daw silang ma-poison. Pero okay naman silang lahat, thankfully.
Are we weebs in the making? 🤣
We are in our anime phase. Simula nung napanood ko yung Your Name. at sobrang nagustuhan ko sya (as usual sa TikTok ko sya nadiscover), gusto ko pang manood ng more anime na ganun yung feels. Hanggang sa nag-search na ko ng mga top anime series at naging up to date na kami sa Dan Da Dan at Solo Leveling. Mas naging interesting yung evening TV marathons namin simula nung nag-start kaming manood ng anime. Habang waiting kami sa next seasons nitong dalwa, we’re currently watching Frieren.

A short spiel for each one:
- Dan Da Dan – Ghosts and aliens. Sobrang weird na may very light touch of hentai.
- Solo Leveling – Zero to hero. Action packed.
- Frieren – Nostalgic feels. Unique story telling.
Favorite tambayan

We got a few more stuff for our living room and I really love how it turned out. Dito na ko laging tumatambay kasi ang cozy nung vibe. Sa lahat ng areas nitong bahay, sa salas kami nag-focus ng time and expense kasi ito yung public space. Kaya naman pag nakita nyo yung kwarto namin, tumatambay lang talaga kami dun pag malapit na kaming matulog, kasi kama lang yung nandun at yung luma naming TV stand.
Bye na, winter.

Dumayo kami sa Okotoks kahapon (kabilang bayan) para mag-Costco, para lang maiba yung view. Kita rin pala yung mountains dun at muka syang mas malapit. Pag mas naging milder na yung weather gusto ko ulit mag-roadtrip at makakita ng bundok. Sana wag na ulit bumalik sa negative double digits ang weather please!
My new phone wallpaper

Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
