Categories
Alberta Banff Free Posts Life

36th Birthday Bop

December 15, 2024

Isa lang ang nasa checklist ko for this year’s birthday:

  • Makakita ng mountains!

I celebrated my birthday in a new place! Our new home. Ugh sobrang excited kong makakita ulit ng bundok. Pumunta kaming Banff ngayon and I can’t believe na 1.5-hour drive na lang ang Banff mula sa bahay namin. Bukambibig ko kay Kenneth few weeks ago na maiiyak talaga ko pag nakakita ako ng rocky mountains sa birthday ko. Hindi ko na kailangang pigilan ang aking tears of joy. Yung first time ko kasing makita yung rocky mountains last year, kasama namin ang parents at kapatid ni Kenneth, so nahiya ako at pinigilan ko yung luha ko hehe. Baka sabihin naman nila para kong tanga. Pero sabi ko ngayon, kung maiyak man ako, I will wholeheartedly let myself. Hindi naman ako naiyak, but I got super teary eyed.

Morning lambing from Almond 🤍

Meron akong sub-list sa aking main list which is, as always:

  • Get my free Starbucks birthday drink
  • Claim my Sephora birthday gift

Pero kahit wala na yang mga yan, makakita lang ako ng bundok, I am the happiest!

Aga kong nagising, 5AM. Nag-journal lang ako ng konti at nagbasa ng previous birthday bop posts ko. Around 7AM, nagising na rin si Kenneth at kinantahan nya ko ng pipiyok-piyok na happy birthday. Malat pa ang boses at bagong gising haha. Tapos sinundan nya ng Korean version na syempre mali mali ang lyrics—basta may “hamnida” yung dulo. Thanks for having your first thought upon waking up is to make me laugh.

Hello mountains!

Hihihi

Iba yung aura ng mountains ngayong winter. Ngayon, para silang natutulog. Nung summer kasi para silang nangungusap. Pero ngayon hindi sila nagsasalita haha. But even in their peaceful sleep, they can’t help but be beautiful nonetheless. Nakakatuwang titigan yung snow caps and ridges.

AGHH.
Sarap daw magdrive ng may view
OMG.

Between my “Wows” and “Ang ganda.” imik din ako ng imik ng “Hi mountains!” “Nice to see you again mountains.” Buti na lang walang pake si Kenneth sa kawirdohan ko. Next time talaga ayoko nang mag-take ng photos, gusto ko na lang silang titigan. Kaya ko kaya? Parang di ko mapigilang hindi mag-take ng souvenir. Pero compared last time, mas tina-try ko sila ngayong pagmasdan kesa i-capture.

Banff Town

Nag-light lunch lang kami since late na kami kumain ng breakfast. Napansin ko na ‘tong Korean corn dog place nung unang punta namin dito pero di namin na-try.

📍 Hankki Korean Street Food

Hindi ko nagustuhan yung hotdog. Hindi malasa at hindi rin juicy. We tried the dak-gang-jeong—crispy korean fried chicken in sweet soy sauce—pero ang dry nung chicken. Buti yung mango bingsu masarap.

3 🌟

Ang lamig! Hindi super enjoy mag-stroll. Every few minutes papasok kami sa isang store para magpainit. Mabilis lang kami dito sa Banff kasi may plano pa kaming mag-mall after. Kahit nga mag-drive lang kami solb na ko basta makita ko lang ulit ang bulubundukins.

Bye Banff!

Nung pabalik na kaming Calgary, “Bye mountains” at “See you again soon” naman ang bukambibig ko, habang naka-open si Google maps para matingnan kung ano-anong pangalan nung mountains na dinadaanan namin. Ang cool nung Heart Mountain. Parang may naka-emboss na heart shape sa peak nya.

📸: Heart Mountain Store

Let’s go to the mall.. todayyy 🎶

Ang dami ko nang serums at moisturizers na nilalagay sa muka ko pero ang dry pa rin ng skin ko dito. Pag umuuwi akong Pilipinas, gandang ganda ako sa condition ng balat ko pero pagbalik dito, ang dry tapos feeling ko hindi supple. Naalala ko yung sabi ng Papa na, kahit ilang years na raw kami dito, our bodies are not made for this type of weather. In short, gusto kong mag-drop by sa Sephora para maningin ng skincare hehe.

Hindi available sa store nila yung birthday freebie so nag-order na lang ako online. Mabilis lang kami sa mall kasi may dinner reservation pa kami ng 5:30PM. To make it short, di ako natuwa sa food. Tapos wala pang birthday dessert unlike sa ibang restos. The only thing na nagustuhan namin ay yung raspberry mojito nila. Will not go back.

📍 The Cattle Baron | 2 🌟

Sayang kasi hindi kami umabot sa Starbucks para kunin ang free birthday drink. Pagdating kasi namin, 5 minutes na lang closing na. Tapos natanaw ko yung mga baristas na nagkkwentuhan na lang habang nagpupunas ng stuff, so nahiya na kong pumasok. Yae na. Nakapag-bingsu naman ako kanina.

It was a good birthday. We did something new and I’m so happy to see the mountains again. Todays’ food was not the best so feeling ko hindi pa rin na-exceed yung last year’s birthday. Plus meron akong nase-sense na something na hindi ko ma-pinpoint. May some sort of uneasiness. Feeling ko dahil nasa transition period pa rin kami at kahit gano ka-okay ‘tong Airbnb namin, hindi pa rin 100% comfortable. Kaya sabi namin during our pre-bedtime evening kwentuhan, gusto na namin makalipat sa totoong bahay namin. Konting tulog na lang!

See you again mountains!

Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

2 replies on “36th Birthday Bop”

Leave a reply to Gleniz Cancel reply