I miss hearing Kenneth say, “Wowwww..” everytime nagluluto ako. Medyo nakukulitan pa ko sa kanya dati kasi araw-araw nya kong tinatanong, “Anong pagkain natin?” Pero ngayon, wala nang nagtatanong ng ganun. Nami-miss ko yung dependency nya sakin pagdating sa food. Yung dating annoying, hinahanap-hanap ko na ngayon. Ugh life.

Ever since naging strict si Kenneth sa diet nya, sya na halos ang nagluluto ng food nya. Kasi ang choosy nya. Ayaw nya pag may carbs. Kahit yung konting breading sa chicken, ayaw nya. Ayaw nya din pag mataas yung sugar content. Pag may konting honey yung recipe, it’s a no. Sobrang strict nya—which is nakakabilib din naman at the same time.

I take pride in being the chef of this household, but now it feels like the title has been stripped away from me. Pag nagluto ako, most probably ako lang ang kakain. Nagluluto ako ng keto meals minsan, pero di nya pa rin kinakain madalas. Yung meal plan pa rin nya yung sinusunod nya.

Wala lang. Medyo nasad lang ako. Nakaka-miss lang yung mga dating reactions nya pag nasarapan sya sa luto ko tapos ang dami nyang nakain. Siguro ganito din ang feeling ng mga nanay (or lola/tatay/lolo). Parang napansin ko kasi ‘to sa tita ko nung nag-move out na yung mga pinsan ko. Narinig ko one time nung andun kami, tinanong nya yung pinsan ko ng, “Namiss mo ang luto ko?” I thinks that’s what this is.
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.

2 replies on “Home Chef No More”
Nakakainggit naman si Kenneth mhie! Sana ol disiplinado sa diet huhuhu
LikeLiked by 1 person
Haha nakaka-worry na nga minsan 😅
LikeLike