Categories
Family Free Posts

Dearest Gentle Readers

Nalaman ko na nagbabasa pala ng blog ko ang mga tita ko. Hello Ate Bengsya and Ate Gigi (at kung sino pang family member na hindi ako aware) 😅 I didn’t expect na magiging interested silang magbasa ng mga sinusulat ko, kaya naman yung mga bagay na hindi pa dapat nila malaman, nagkakaron na pala sila ng idea. Nakakatawa tuloy yung mga theories nila.

At dahil alam ko na ngayon na readers pala sila (hanggang ngayon hindi ko alam kung dapat ba akong ma-flatter o ma-conscious), gusto ko nang palitan yung pangalan ng website ko. Well, napalitan ko na actually, pero binalik ko na rin after a few minutes (buti ₱300 lang yung bayad).

At yung rason bakit hahayaan ko na lang ay dahil: hindi gagana yung mga links na nilalagay ko minsan sa mga posts ko. Kasi minsan meron akong mga posts na may mga links sa previous posts ko. Kung magbabago ako ng website, kelangan ko rin baguhin lahat yun para mag-work yung links. Nung na-realize ko yun, mas na-stress ako. So hayae na. Parang too late na rin naman na baguhin ko pa.

Ayun. Nag-panic lang ako ng very light. Naka-move on na rin ako agad. Enjoy lang kayo pagbabasa 🤣


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment