Categories
Family Life

Masamang Balita

May nagtanong sakin dati, bakit ako komportable magkwento dito whether nakakahiya, nakaka-proud, nakaka-conscious, nakakalungkot, etc. Kasi parang ang hirap daw. Bakit daw ang dali lang sakin. Wala akong instant na naisagot. Kasi for the longest time, I just write without actually questioning it.

Today, I received an extremely sad news. The saddest news I’ve ever received. After mag-sink in, ang initial reaction ko, magsulat. Dun ko narealize na hindi ako nagsusulat primarily to share, but the actual act of writing is how I deal with my feelings—mapa-happy man or sad. It seems like my body and mind cannot handle so much emotions, that my instinct is to transfer the feelings into another vessel.

This sad news came to me 3 days ago, and the only reason bakit hindi ako agad nakapagsulat ay dahil nakakapanlumo. Nakakapatulala. Nakakawalang gana. Parang ayoko munang makipagusap kahit kanino.

Nasa office ako nung nabasa ko yung chat ng kapatid ko. Di ko na napigilan yung luha ko. Gusto ko nang umuwi. Pero ano namang gagawin ko sa bahay? Baka mas okay na tapusin ko na ang trabaho ko para kahit papano, malibang ako.

Ngayon, I am bracing myself for more bad news. Gusto kong maging positive, pero gusto ko ring maging realistic. Right now, wala akong ibang magagawa kundi maging hopeful.

PLEASE…

Hindi pa ko ready.


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment