February 5-9
DAY 1

Old But New
Dumiretso kaming Glorietta pagkasundo nila sakin sa airport. Nung naglalakad na kami sa loob, it was pure nostalgia. Pagkakita ko sa Burger King, naalala ko yung isang date namin ni Kenneth na kakagaling lang namin sa away kaya bad mood pa rin ako. Nakita ko rin yung Mcdo, na lagi kong binibilhan ng chocolate cake na sobrang sarap. Pizza at lasagna ng Shakeys. Food court!! *buntong hininga habang nakapikit* Ang daming memories 🤍

Stopovers:
- Pancake House – breakfast
- UNIQLO – bought 2 bottoms, parehong puti
- MUJI – naningin ng maleta kaso mukang mahuna, tapos ang mahal
- ChaTraMue – nilibre ako ni Tricia ng milk tea
- Off White – tumingin ang Papa at si Tricia, gulat na gulat ang Papa sa presyo haha
- Marugame Udon – sinuggest ni Tricia for lunch, sarap nung udon and tempura
Diba sa may Greenbelt merong greenery dun. Ngayon ko lang sya na-appreciate. Ilang beses na ko napadaan dun dati pero hindi ko pinapansin.

Home
Habang nasa byahe kami pauwi ng probinsya namin, sumisikip na yung daan at sumisimple na ang mga gusali. Dumadami na ang mga puno. Less than two years lang naman yung huli kong uwi pero sobrang nanibago ako ulit. Banong bano ako nung nakakita ako ng bundok. Last kong nakakita ng bundok, nung pumunta pa kaming Alberta.

Nung nasa Pagbilao na kami, mas sumisikip na yung daan at dikit-dikit na lalo ang mga bahay at tindahan. Crowded yung feeling at nanibago nanaman ako. May mga nagbago naman talaga. May KFC at Dunkin’ Donuts na pala sa Pagbilao, Carlos Superdrug na yung kanto namin, etc. Pagtigil namin sa tapat ng bahay, sinu-survey ko yung paligid. Merong mataas na building sa tapat namin na hindi ko maalala kung nandun na ba dati. Kinikilatis ko pa lalo kung anong mga nagbago. Basta medyo weird sa feeling.
Tambay sa kabila
7 PM na ata kami nakauwi. Sabi ng Mama, bukas na lang kami pumunta sa mga Mommy (lola ko) kasi gabi na. Pero hindi rin nakatiis, maghahanap daw ang Mommy.
Nakwento ko na dito yung hug party story at iba pa so di ko na uulitin.
DAY 2
Lakas ng ulan! Ang sarap sa tenga.
Yum, yum, yum

Tender Juicy hotdog ang ulam! Hihihi. May mga errands kami sa umaga pero the rest of the afternoon, chill lang.
Stopovers:
- Almond – pinatakan ko sya ng gamot para healthy sya pag kukuha na kami ng vet medical certificate nya
- SM – bumili ako ng blue top kasi wala akong isusuot na something blue para sa 60th birthday celeb ng Papa
- Buddy’s – had lunch here at ang sarap nung porkchop steak at halo-halo at sizzling bangus as always!!
May mga iba pa kong pinamili and na-conscious ako kasi nano-notify pala si Kenneth sa lahat ng purchases ko! Hahaha! Gamit ko kasi yung bago naming credit card at naka-default yung notifications sa kanya. Tinatanong ako kung ano raw mga pinamili ko haha. Pano na lang pag nasa Japan na kami. Baka tadtad sya ng notifications 😆

Need sleep.
Again, sleeping was a struggle today. Sobrang pinilit kong bumalik sa tulog nung nagising ako ng 3AM. Hindi ko nga sigurado kung nakatulog ba talaga ko o nakapikit lang ako the whole time. No matter how my body and my mind craves for sleep, ayaw talaga. The crystal singing bowls and ASMR didn’t help.
Finally, nakatulog rin ako ng mahimbing. Kaso 2 PM na yun, at nagising na rin ako ng 8 PM. Di ko alam kung matutuwa ba ko na nakatulog ako ng maayos for 6 hours, o masusura dahil baka gising ako nito hanggang madaling araw.
DAY 3
Teenage dirtbag vibes
Sabi ko sa Papa gisingin nya ko pag maglalakad sya sa umaga, sasama ako. 5:30 AM nya ata ako ginising at pumunta na kami dun sa walking spot kasama si Brandy, aso namin. Hindi ma-chat or ma-call ang Papa pag nasa Canada ako, so I cherish these small moments with him.

I spent the rest of the day just chilling at my parents’ house. Nakaka-highschool/college life yung vibe. The familiar smells, the free meals, random texts from Mama while she’s at work (“Gleniz gusto mong pinaltok?”), etc. Ang sayang ma-experience ulit ‘to every once in a while.

Habang nanonood ako sa YouTube, merong weird feeling everytime lalabas yung mga ads—kasi Tagalog. Ang wirdo sa pandinig. Ito yung mga tiny details na nagsasabing, “Oo! Totoong nasa Pilipinas ka na ulit! Enjoyyyy!”
DAY 4
Birthday hug
It’s Papa’s 60th birthday!! (the reason bakit ako umuwi) Lumabas ako ng kwarto at binati ko ang Papa ng happy birthday. Pero hindi lang basta greeting. I greeted him.. with a hug! That’s a first! Huhu naiiyak ako.
I love hugs. Ma-hug ako kay Kenneth. Yung dalwa kong pinsan na teenagers, ma-hug din sila, so silang tatlo yung madalas kong ka-hug party. And it seems like unti-unti nang nababawasan yung awkwardness ko to give hugs. Yes may konting awkwardness pa rin nung nag-hug ako sa Papa, but in that moment, I felt naturally inclined to give him one. Feeling ko ito yung isa sa mga sign na tumatanda na ko—hindi na corny mag-show ng feelings sa family.

Super complete!
Nakatulog nanaman ako nung hapon. Nagising na lang ako nung dumating na si Tricia. Nag-half day sya sa work today kaya kumpleto kami! Yayyy.

Favorite moments:
- Sarap nung niluto ng Papa na seafood broil
- My nephew’s infectious laugh
- “Vacuuming” Kuya’s belly
- Playing with TikTok’s AI filters (tuwang tuwa ang Mama haha)

DAY 5
Ang daming ganap today!
Good morning

Inutusan kami ng Mama na pumunta sa kabila. Eager kami ni Tricia kasi gusto namin puntahan ang Mommy. Pagdating namin, may nakahain na puto, kutsinta, lugaw, suman. Sarap. Kaya kahit nakapag-agahan na ko, kumain pa rin ako. Sa mata ko, rare yung mga ‘to kaya kain lang ako ng kain.

Tapos may dumaan na magtataho. Busog na talaga ko pero gusto kong makatikim ng taho! After kumain ng taho, umuwi na rin kami agad kasi maggagayak pa kami for the next activity.
Bang!

Ang main event today ay firing. Hindi ako super excited sa activity na ‘to, pero gusto ko syang ma-experience once. Curious ako kung pano magpaputok ng totoong baril.
Nung tinuturuan na kong humawak ng baril at bumaril, give up na ko agad. Ang init nung baril kasi nakabilad sa araw. Hindi ko mahawakan ng maayos kasi napapaso ako. Tapos hindi ko pa maikasa! Ang ganit! Sabi ko kay kuyang nagtuturo, “Ayoko na po.” Pero ang sagot nya, “Kaya nyo yan ma’am.” so na-motivate ako.

At buti na lang hindi nag-give up sakin si kuya kasi may talent pala ko! Haha medyo magaling pala ako! Sunod-sunod yung tama ko dun sa mga target. Yung mga kapatid at mga pinsan ko na-surprise din.
Paguwi namin ng bahay, nasa salas ang Papa. Sinalubong ko agad ng, “PAPA ANG GALING KOOOO!” Halatang hindi naniniwala haha (for context, pulis ang Papa). Tapos pinakita ko sa kanya yung video. Nung una, kala nya siguro chamba yung mga tama ko, pero nung nakita nyang sunod-sunod yung tama ko dun sa targets, nakita kong nakangiti na ang Papa habang nanonood. Huhu I’m so proud!
Saraph?!
Korning korni ako dun sa pangalan ng bar na pinuntahan namin. Saraph?? Seryoso ba. Sayang lang kasi ang ganda pa naman nung lugar. Maganda yung ambience. Tapos Saraph?!

Overall, masaya naman ang night out. Pero since mahaba yung table, may kanya-kanyang groups. Tapos ang ingay pa nung kumakanta, medyo mahirap magkarinigan. Nag-girl talk lang kami nina Tricia, Isabelle, at Illysa sa isang tabi.
Favorite moments:
- Making fun of the dance sa viral song na “kalma, baby kalma”. Di ko alam yung title basta yan yung lyrics.
- “Gusto ko katabi ko si ate Gleniz.” —Illysa
- Libre ng Kuya Zaldy yung buong day na ‘to hehe
Pero di pa tapos ang gabi. Ang last stop namin ay kina Kuya Zaldy, may food daw sa kanila kasi Chinese New Year. Busog na busog na ko pero pinilit ko pa rin kumain kasi minsan lang. 1 AM na kami nakauwi!

PINAS 2024 SERIES
Day 1: You are here
Day 2: Made it Out of the Group Chat! + Pagbilao Life + Valentine’s Dates
Part 3: Ohana + LDR Problems + My Daughters | Pinas 2024 Pt. 3
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
