Feb 5, 2024
Everything on this list happened all in one day.
Motherland
My PH trip! Pangatlo ko na ‘tong uwi simula nung nag-migrate kami nung 2018. Ito rin yung pinakamatagal, one and a half months. Ang happy sa feeling habang bumabyahe kami pauwi sa probinsya namin. Busog yung mga mata ko sa mga sightings na dati na, pero feeling bago ulit.

Madaming nangyari sa uwi kong ‘to. Daming ganaps. May konting stress, but very grateful overall. Na-recharge nanaman ako. Being with family is the ultimate tonic.
Senti Hits

Dumiretso kaming Glorietta pagkasundo nila sakin sa airport at pagpasok namin sa mall, I felt all sorts of nostalgia. Naalala ko yung Manila life ko noon. Every time may makikita akong restaurant na kinakainan namin dati, may pumapasok na memories. Chinat ko si Kenneth kasi sya yung unang pumasok sa isip ko, yung mga dates at away namin dun hehe.
Hug Party
Pagdating namin ng Pagbilao, pumunta kami sa bahay ng lola ko plus andun din yung mga teenager cousins ko. Hindi na ko nag-expect ng warm welcome from the teenagers kasi nga teenagers na sila. Pero pagpasok ko sa kwarto, narindi ako sa sigaw nung magkapatid, at nagulat din ako sa aggressive hugs. Huhu that was heart warming.
Hindi ko na napansin ang Mommy sa likod, nagiintay na pala ng turn nya for a hug. Nung nawala na yung commotion dun sa dalwa, ang tagal naming magka-hug ng Mommy tapos paikot-ikot kami haha.
Met a fellow Skyfam fan
Sa mga happy and cute things na napala ko as a follower ni Kryz Uy, isa sa mga pinaka pinagpapasalamat ko ay yung bonding namin ni Isabelle over the Skyfam. Follower din pala sya! Haha di ko inexpect yun. Nawala ng konti yung attention ni Isabelle sa phone nya kasi pinaguusapan na namin sina Scottie at Sevie—kung gano sila ka-cute at naaaliw kami pag naririnig namin silang mag-Bisaya. Tinest ko si Isabelle sa mga natutunan kong Bisaya words tulad ng “yayay” at “aslom”. Alam nya rin yung meaning haha.
Reunited with my iPod Touch

Isa sa mga checklist ko ay kunin yung iPod Touch ko, my very first Apple device. Binigay ko sya kay Illysa mga 10 years ago na siguro. Hindi na nya ginagamit so kukunin ko ulit. Gusgusin na pero gumagana pa naman. Gusto kong kutingtingin yung mga old photos at yung mga dati kong playlist sa iTunes.

The nostalgia feels in Glorietta, getting my old iPod Touch back, writing about these memories on my blog, while also having a digital and physical journal, na-realize ko lang na sobrang sentimental ko pala talagang tao 😅
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
