Ang dami nang nangyareeee. Nakapag Japan na kami, bumisita sa farm ng lolo at lola ko, nanalo kami sa casino, et cetera (btw ngayon ko lang napansin na French pala ang etc.) Pero ang kwento ko ngayon ay simple lang.
Sa family group chat namin, minsan may mga mababasa ako na:
“May ginataang mais dito, ipapadala ko diyan.”
“Bumili akong Jollibee, hapunan ninyo.”
“Anong gusto ninyo? Nandito ako sa SM.”
Usually ang Mama ‘to kasi sya ang #1 mahilig magpasalubong. So pag nakakabasa ako ng ganun, since nasa Canada ako ng mga panahong yun, hindi sya intended for me. Pero ngayon! Ngayon! Para na sya sakin! Kasali na ko! Ang saya lang sa feeling.
Tulad ngayon nag-chat ang Mama:

Tapos kahapon ito naman:

Hay mamimiss ko yung ganitong feeling.
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
