Categories
Happy Things Life

35th Birthday Bop

December 15, 2023

Nakangiting nakangiti ako pauwi sa apartment namin. Hindi ko inexpect na sobrang saya ng araw na ‘to! Kala ko saktong masaya lang pero hindi. Sobrang saya. Friday ngayon so nag-leave ako for work.

Birthday checklist

Packed ang itinerary namin today kasi may mga gusto akong puntahan na medyo magkakalayo. Kung ordinary day ‘to, hindi magiging on board si Kenneth (kasi tamad syang mag-drive). Pero wala syang magagawa. It’s his turn to be the birthday slave wahaha.

Birthday Festivities:

  • Pickup cake
  • Birthday lunch *
  • Go to a museum
  • Fries at Potato Corner
  • Get my free Starbucks birthday drink
  • Lugaw for dinner *

* idea ni Kenneth yung may asterisk

Around 7AM ako nagising at nag-journal muna ako.

Sobrang rare ni Cashew tumabi samin so nagulat ako nung nilapitan nya ko. Alam mo bang birthday ko Cashew?😻
Muni-muni while the sun is rising

Kasama sa morning routine ko ang pag-scoop ng litter bago maligo. Nung nag-s-scoop na ko sabi ni Kenneth, “Stop!” (🤣) Sya raw ang mag-s-scoop. Birthday ko raw. Hahaha. A good start to the day.

Ang sarap

Nag-order kami ng schmoo cake. First time ko ‘tong ma-try during our friend’s birthday few years ago (hello Piya!) Sobrang nasarapan kami at two years ko na atang sinasabi na gusto ko rin ng schmoo sa birthday ko. Finally natuloy na. At ayon sa aking research, Canadian dessert pala sya na popular dito sa Manitoba.

Pinick up namin yung cake sa La Grotta Mediterranean Market. Nung nakita namin yung mga wine and cheeses, naalala ko si Kat, my sister-in-law. Dapat pala nadala namin sya dito. Meron ding mga fresh pasta, Italian breads, etc. Pero ang nakakuha ng attention ko ay yung selection of pastries and cakes. Mukang ang sasarap lahat! Pero kinalmahan ko at nag-focus ako sa schmoo.

Ang ganda ng cake ko huhu. Ngayon lang ata ulit ako nagka-birthday cake na may nakalagay na ‘Happy Birthday Gleniz’.

Bumalik kami sa apartment para ilagay muna yung cake sa ref. Mamayang dinner pa namin sya kakainin.

Few weeks ago nung pinagmi-meeting-an namin ang birthday ko, sabi ko kay Kenneth wag na kaming kumain sa labas. Magpa-deliver na lang kami ng fast food kasi masaya na ko dun sa cake. Tsaka ayaw ko nang gumastos kasi namahalan ako sa birthday gift ko sa sarili ko. Nagbayad pa ko ng customs duties, nakakainis. Kala ko wala nang ganun.

Got some more ink and fountain pens hihi

Kaso parang di mapakali si Kenneth sa food. Sabi ko kasi ayoko rin magluto. Gusto ko relax lang ako sa birthday ko. Sya na lang daw ang magluluto. Kung gusto ko raw ng lugaw. Favorite ko kasi yun so nag-yes ako. Eh di okay na, nagkasundo na kami. Pero di pa rin sya mapakali at nag-suggest syang kumain sa labas. At eto na nga, nandito na kami sa Leopold’s Tavern.

Very good yung idea na ‘to kasi ang sarap lahat ng food! Matagal na kong naka-follow sa IG account nila at magaling silang gumawa ng food content. Nakaka-crave yung mga food pics nila. Pero hindi ko in-expect na masarap pala talaga.

Pag may fish tacos sa menu, usually yun ang ino-order ko. At eto na ata ang pinakamasarap na fish tacos na na-try ko! Nag chicken wings din kami at pinili ko yung lemon pepper flavor, sarap. BBQ pulled pork mac ‘n cheese ang inorder ni Kenneth at super sarap din! Kung walang pulled pork yung mac ‘n cheese, feeling ko mauumay ako agad. Pero sobrang flavorful nung pulled pork, ang sarap talagaaa.

Mini break

Sa Canadian Museum for Human Rights ang next stop namin, pero bumalik muna kami sa bahay for a short break. Nag-prep din sya para sa kanyang brown rice lugaw so gayat gayat muna sya ng luya, etc. Ako nagre-reply lang sa mga birthday greetings.

Ang ganda

Sabi ni Kenneth ready na raw sya so nag-ready na ko. Btw, salamat uli kay Piya kasi libre yung entrance namin sa museum. Meron kasi syang tinuro samin na app for new Canadian citizens, yung Canoo app. Andun yung mga perks ng mga bagong citizens tulad ng free entrance sa museums, discounted tickets sa iba-ibang attractions, meron ding discounted flights, etc.

Nung nagiikot-ikot na kami, medyo wrong move pala na ngayon kami nag-visit. Ang heavyyy. Importante yung purpose nung museum na maging aware ang mga tao sa oppression at violation ng human rights (noon at ngayon), pero ang dark kung pupunta ka dito sa birthday mo.

May mga stories about genocide, abuse, killings of homosexuals, etc. At one point, tumigil na kong magbasa. Pero gusto namin maikot yung buong museum so inakyat namin level by level, hanggang mapunta kami sa 8th and final floor, which is yung tower. Meron syang 360-degree views of the city. After ng mga masasalimuot kong nabasa, paglabas namin ng elevator, may bumulagang napakagandang sunset. Ang perfect na yun yung final stop kasi nawala yung heaviness sa dibdib ko. Very fitting pa yung name, ‘Tower of Hope’.

Hayy sobrang ganda. Kala mo first time kong makakita ng sunset sa sobrang amazed ko. Ang ganda kasi talaga. Tapos ang perfect pa nung timing kasi hindi naman namin alam na 4:35PM yung sunset. Buti na lang ayaw ni Kenneth mag-elevator, naglakad kami sa ramps pataas kasi exercise daw.

The ramps going up

Kung nag-elevator siguro kami to explore each level, baka maaga kaming nakaakyat sa Tower of Hope at hindi namin naabutan yung sunset. Hays. Ganda.

Ang sarap (part 2)

Hindi pa rin ako maka-move on kaya bukambibig ko pa rin yung sunset on our way papuntang St. Vital Centre. Dito kami bibili ng Potato Corner. Recently, na-discover ko yung sobrang sarap na truffle fries nila, kaya automatic kasama ‘to sa list.

Meron akong $10 birthday coupon sa Body Shop kaya nag-drop by muna ako dun. Wala akong maisip na bilhin. Nag-try na lang ako ng body butters nila.

Ang addicting nung amoy

Finally, bumili na ko ng fries at unang subo ko pa lang, tuwang tuwa nanaman ako. Ang sarappp. Enjoy na enjoy rin si Kenneth at nagsisi akong mega lang yung binili ko. Dapat pala yung giga. Naubos na sya bago pa kami makauwi at nasad kami.

Habang nasa byahe, ino-order ko sa Starbucks app yung free birthday drink ko at talagang nilubos-lubos ko. Venti yung kinuha ko at nag-add pa ko ng mga extra toppings hehe. Kala ko nung una may bayad yung extra toppings, pero free pala talaga lahat. Inorder ko yung nadiscover ko sa TikTok few months ago (yung pink drink).

Pagka-pickup ko nung drink, di ko na inantay makabalik ng sasakyan, ininom ko na sya habang naglalakad at ANG SARAP GRABE. Every sip napapapikit talaga ko sa SOOOBRANG SARAPPPP.

Hindi ko naman first time ma-try ‘tong pink drink pero grabe yung pleasure na na-feel ko. Extra heightened ata ang pleasure receptors ko today. Ang sarap nung combination nung strawberries and coconut plus samahan po pa nung chocolate cream cold foam. Pag-sip mo sobrang lamig tapos naghahalo-halo yung flavors. Ahh heaven. Tapos susungkitin mo yung freeze dried strawberries na medyo lumambot na pero may konting crunchy bits pa rin. Ughhh sarap.

Ang saya

Bakit sobrang sarap at sobrang saya naman ng araw na ‘to?? I’m not complaining pero for a split second naka-feel ako ng takot na baka may kapalit. Pinutol ko agad yung thought ko na yun and instead, I just savored the moment. After feeling intense anxiety nung mga past few months, I deserve this. Ito yung sinabi dito sa quote na:

“..But the sun may well come out tomorrow and when it does, I shall take full advantage.”

The sun is finally out, and I am taking advantage!

To cap the day off, kumain kami ng lugaw at schmoo habang nanonood ng Modern Family. Sabi ko kay Kenneth ayokong mag-open ng messages in case may mabasa akong something na makasira ng day na ‘to, pero wala naman. Nagpasalamat lang ulit ako sa mga birthday greetings at natulog na kami around 11PM.

Hays thank you for this beautiful and pleasure-filled birthday 🤍


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

2 replies on “35th Birthday Bop”

Leave a reply to Gleniz Cancel reply