Whistler + Squamish, BC • August 8

Sobrang excited ko, na medyo takot, but mostly excited, because I’m going to do bungee jumping today! AAAAH! AAAAAAAAHH!!


Unforgettable Whistler

Less than a day lang kami dito sa Whistler pero sobrang memorable sakin ng place na ‘to. Una dahil nga sa bungee jumping experience ko. Pangalwa, sobrang charming ng town/village nila.
📍 Whistler Bungee

We drove 2 hours from Vancouver to Whistler at deep inside, hina-hype ko yung sarili ko, but at the same time, natatakot din talaga ko. Yung closest thing na na-experience ko dati ay yung ‘tree drop adventure’ sa Subic. From what I remember, it’s a 3-second drop at dun sa 3 seconds na yun, hinding hindi ko malilimutan yung naramdaman ko. Combination sya ng intense kaba, takot, excitement, at saya.

Mahilig ako sa mga extreme rides at sa mga ganitong experiences, hindi dahil wala akong takot sa heights. Takot din ako pero mas matapang lang ako. Kasi feeling ko kung 100% hindi ka takot, boring yung experience. Maganda siguro yung tamang timpla lang ng tapang at takot para magi syang enjoyable.
Madami akong kwento dito kasi for me, ito yung isa sa mga highlights ng trip namin. Pagdating namin sa parking, umuna na kong lumabas ng sasakyan kasi male-late na ko. May nabasa kasi ako na pag late, pwedeng ma-forfeit yung booking. Btw nagkaron ako ng konting alinlangan while booking this online kasi $135 sya. Di ko inexpect na ganito yung babayaran. Pero kung tutuusin, mas mahal yung canoeing sa Lake Louise ($160) at para sakin mas sulit ‘to.

Tatawid dun sa bridge (kung san ako tatalon) papunta dun sa receiving area nila. Kaso pagtawid pa lang ng bridge, umaayaw na si Kenneth. Eh hindi nya ko mavi-video kung wala sya dun sa bridge. Anubayannn. Pero nung nakita nya siguro na kaya ni Mommy (na takot din sa heights), feeling ko nahiya sya at nagpaka-strong so tumawid na rin sya. Pero nakakatawa kasi kapit na kapit. Inalis ko yung kamay nya sa pagkakakapit tapos sakin naman kumapit! Hahaha ang scaredy cat eh.

After kong magfill out ng form at mag-sign ng waiver, pinapila na ko dun sa area ng mga tatalon. Si Kenneth, di talaga kaya, nandun lang sya sa may receiving area, nakatanaw lang sakin. Buti na lang strong si Kat kaya sya yung magvi-video.
Habang nakapila, hindi pa kumakabog yung dibdib ko. Madalas sa mga scary experiences (tulad ng job interviews) mararamdaman ko lang yung kaba few minutes before. Kaso yung sinundan ko na lalake, ang lakas makasigaw. Di ko alam pero parang inalis nya yung majority ng kaba ko. Hindi ko alam kung sya ba talaga yung reason, o dahil may similar experience na ko dati, o masyado kong na-hype yung sarili ko. Pero yung rush of energy and feelings, hindi ganun ka-intense compared nung experience ko sa Subic. This time iba. Kung dati ay halo-halong emosyon, yung ngayon ay series of emotions.

Nakakatawa nung nakapila na ko kasi may music silang pinapatugtog. Yung song ni Sia na ‘Unstoppable’. So habang nagaantay ako ng turn ko, kumakanta si Sia ng:
“I’m unstoppable..
I’m unstoppable today..
I’m invincible..”
Haha! Baka factor din yun kung bakit nabawasan yung kaba ko kasi na-kornihan ako at natawa kami ni Kat. Pero baka naman sa iba helpful yung mga ganitong motivational songs.

Nung nilalagay na sakin yung harness or kung ano mang tawag dun, ang advice sakin ni kuya ay pag binilangan na raw ako ng “3-2-1”, wag daw akong mag-alinlangan. Basta pagkasabing “one!”, tumalon na ko. Aaahhhh! Naaalala ko yung moment na yun. Yun yung intense. Yun yung pinaka-intense na part.


“One!”

Sinunod ko si kuya at tumalon ako. Yung first few seconds after kong tumalon, andun yung familiar rush of excitement and energy, pero after that, di ko na maintindihan yung pakiramdam ko. Parang feeling ko totoong nalalaglag ako sa tulay or sa bangin. For a second nalimutan ko na bungee jump yun. Nakaramdam ako ng pure takot. Hindi ko naramdaman yun dati kaya ang kakaiba at uncomfortable nya sa feeling.





Buti mabilis lang yun at nag-bounce na ko. Ayun na. Pure joy na. Since mataas yung tinalon ko compared sa dati, nakailang bounce ako at yun ang favorite part ko. Yung sabi nila na parang hinihigit yung bituka, yun ang favorite feeling ko pag sa mga ganito. Tapos sobrang ina-appreciate ko lang yung view. Yung mga puno, yung river. Ang ganda at ang saya.

Sabi ko pala nung pine-prepare ko yung sarili ko a few days before, iisipin ko na kunwari ibon ako at i-eenjoy ko yung view na nakikita ko from the top. Nalimutan kong isipin yun, at feeling ko di ko rin sya maa-apply kasi nga may part na nag-panic na ko. Pero yung last moments, ang saya talaga. Sobrang nakangiti lang ako at ayoko pang matapos.

After ng thrilling experience, nag-chill at nag-stroll lang kami sa Whistler Village. Kumain pala muna kami.
🍽️ Hunter Gather



Nakita ko ‘to sa comments section ng IG post ni Solenn Heussaff. Kasi nasa Whistler din sila around this time. Basta may follower na nag-recommend dito sa kainan na ‘to, specifically yung chicken shawarma. Pero dahil sa preoccupation ko sa bungee jumping, nawala sa isip ko. Buti naalala ni Kat kasi nakita nya rin pala yung comment.
Kaso hindi ko inorder yung chicken shawarma. Sabi naman ni Kat masarap daw. Ang na-feel kong orderin ay yung pulled pork burger.

📍 Whistler Village

Super ganda sa Banff Town pero mas nagustuhan ko dito sa Whistler Village. Same sentiments kami ni Kenneth kaya mas matagal kaming nag-ikot dito compared sa Banff Town. After ng trip namin, nung tinaong ko sya kung ano yung top 3 nya sa lahat ng mga pinuntahan namin, kasama ‘tong Whistler Village sa top 3. Basta ang serene at charming nung place. Hindi rin ganun ka-crowded.























May nakita akong sign going to a public library at pumunta ako kahit paalis na kami. Buti na lang kasi I got a free book!


Mountain Wedding

May next stop pa kami, sa Squamish naman. 1 hour away sya from Whistler pero nagkakatamaran na. Eh kaso naka-book na kami dun sa gondola ride. Plano na nilang tawagan para i-cancel, kaso nabasa ata ni Kat na kelangan daw pumunta dun para i-cancel. Eh kung pupunta na rin lang, eh di tutuloy na nga naman kami.









📍 Sea to Sky Gondola + Sky Pilot Suspension Bridge

Pero buti na lang di natuloy yung pag-cancel kasi ito yung pinakamagandang gondola (out of the 4) na nasakyan namin kasi mas well built, mas malaki, so kasya kaming lima at mas kita namin yung views. Yung last kasi maximum 4 people lang so hiwalay si Mommy at Daddy.















Pagdating sa taas, merong suspension bridge at hindi na namin napilit si Kenneth tumawid. Nakaupo lang sya dun sa parang cafe para antayin kami. Si Mommy hindi na rin ata tumuloy.
Maganda yung views at okay na sana kaso naasar ako. Ang ingay kasi. Meron palang wedding na ginaganap dun sa kabilang side ng bridge. Nakakaasar kasi nasisira yung nature view gawa nung loud music. Hindi nakaka-peaceful.



Pagtawid namin sa bridge, meron pang mga trails papunta sa forest kaso tinamad na kami. Nag-picture lang kami at nagmadali na ring bumalik kasi tatawid na rin ng bridge yung wedding party, eh ang dami nila. Nakakatakot baka biglang hindi kayanin nung bridge.







Bumalik na rin kaming Vancouver and for dinner, nagpadeliver na lang kami sa Chipotle ulit at nag-order ako ng milk tea sa Coco. Sarap nung hot taro milk tea na ‘to at ang sad kasi hindi sya available dito sa Winnipeg huhu.


At yun. Bukas another fun day nanaman with the Gat-Diaz cousins. Plus yun na yung last day namin sa Vancouver. This is day 10 of our 15-day trip and I have to say, sobrang enjoy na enjoy ako sa mga pinuntahan namin. Parang walang patay na araw. Meron palang isa pero sa day 12 ko na ike-kwento.

AB-BC TRIP 2023 SERIES
Preamble: Bakasyon
Day 1: Calgary | Exploring Downtown + Meeting My Blog Pal + Shoppinggg
Day 2: Drumheller | Badlands + Best Poutine + Shopping Part 2
Day 3: Calgary | Downtown Core + My Favorite Library
Day 4: Banff | The Bulubundukins + Mystical Boat Tour + Bye Calgary
Day 5: Yoho National Park | Yoho Diaries + Yummy Food
Day 6: Banff | Heaven on Earth + Bye Banff!
Day 7: Vancouver & Richmond | Long Drives + Night Market
Day 8: Vancouver | Sweet Tooth + A Famous Clock + Sleepy Cats
Day 9: Richmond & Vancouver | Richmond Delights + 17,500 Steps
Day 10: You are here
Day 11: Vancouver | Rainy Forest + Foggy Mountain + Happy Hour
Day 12: Hinton | My Least Favorite Day, But the Mountains Made Up For It
Day 13: Jasper | Back to the Mountains + Wild Animals + Lake No. 5
Day 14: Jasper | Winter in Summer + Last Day
Epilogue: Jasper & Saskatoon | Official Last Day + Thoughts on Nature
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
