Banff, AB + Yoho National Park, BC • August 3

Medyo chill kami ngayon kasi wala masyadong lakad-lakad compared kahapon. Na-overwhelm nanaman ako sa mga bundok on the way to Banff at nag-enjoy ako sa mga pinuntahan namin today.
See you again Calgary
Banff area na yung mga activities namin for the next few days so kumuha kami ng Airbnb sa kalapit na town (sa Canmore). Mahal kasi pag sa mismong Banff yung accommodation. After magayos ng gamit at mag-checkout sa Calgary Airbnb namin, bumyahe na kami pa-Banff around 9AM.

Mountain views going to Banff:
Brunch at Banff Town
📍 Banff Town

Nasulyapan ko na ang Banff Town kahapon kasi nadaanan namin sya. Pero ngayon kami mas nag-explore. Ang first agenda ay kumain, pero since andun na kami sa magandang spot, nag-picture na rin kami.




🍽️ Coyotes Southwestern Grill



Di kami masyado nagtagal sa Banff Town kasi feeling ko tinamad lahat maglakad. Since nag-picture na kami dun sa magandang spot, nagkayayaan nang pumunta sa mga destinations namin for today.

Yoho

Since wala nga akong alam, papunta na pala kaming BC today, sa Yoho National Park. Malapit na lang pala yun sa Banff. Dito sa Yoho, maraming pwedeng puntahan.
Fun fact: ‘yoho’ means ‘wonder and awe’
📍 Takkakaw Falls
Papunta pala kaming falls ngayon. Medyo madami nang tao pagdating namin pero oks lang naman.


Hindi ko maalala kung nakakita na ba ko ng malaking falls dati. Pero ang pagkakaalam ko kasi, mabilis bumabagsak yung tubig. So na-amaze lang ako na slow-mo yung pagbagsak nitong Takkakaw Falls.
PS: I googled it and apparently, it’s a phenomenon called ‘persistence of vision’. Hindi agad ma-process ng brain natin yung nakikita natin in real time so nagmumuka syang slow-mo kahit mabilis talaga sya 😲








Mainit ngayon. Pero habang palapit kami ng palapit sa falls, palamig ng palamig dahil sa hangin at mist. Ginaw na ginaw sila pero nawirdohan ako kasi hindi ako nilalamig kahit naka tank top lang ako. Eh super lamigin ko pa naman. Pero that day ang refreshing lang sa feeling at G na G pa kong mas lumapit sa falls.





Ang saya ko dito sa stop namin na ‘to. Super amazed nanaman ako.
📍 Emerald Lake

Lagi kong nadidinig yung Lake Louise sa mga nakapunta nang Banff. Yun daw yung pinakamagandang lake so excited ako dun. Kaya nung papunta kami dito sa Emerald Lake, medyo curious lang ako sa kanya. Wala masyadong expectations.

Pagpunta namin dun, ang ganda nung kulay ng lake. First time ko makakita ng cyan-colored lake.


Pero since na-hype masyado yung Lake Louise sakin, dun pa rin ako looking forward. But Emerald Lake is a good start of our lake adventures. Kasi apparently, limang lakes pala ang pupuntahan namin for this 15-day trip.

📍 The Kicking Horse River Valley + Natural Bridge


Extra lang ‘to kasi nakita lang ‘to ni Kenneth on our way back. Hindi ko pa nagets nung una kung bakit Natural Bridge yung tawag. But when Kenneth pointed it out, dun ko pa lang nakita. At dun ako lalo natuwa dun sa structure nung bato na para nga syang bridge. Sabi ko kay Kenneth, “Ahhhh kaya ‘Natural’ Bridge.” Tinitigan lang ako ni Kenneth na may kasamang judgment. Haha badtrip.



Mountain View

We are done for today. Buti hindi sobrang nakakapagod. At hindi pa rin ako maka-move on dun sa falls! But it’s time to go to Canmore to check-in and have dinner. See you again tomorrow Banff!
📍 Town of Canmore

Sa lahat ng pinag-stay-an namin, dito yung pinaka maganda ang view. Ang sarap na gigising ka everyday tapos kita mo yung malaking bundok. Hindi masyadong busy dito sa Canmore. Very quaint and chill yung feeling nya.







🍽️ BLAKE

Google Maps is our friend pagdating sa paghahanap ng mga kakainan. Na-search ko ‘tong kainan na ‘to na malapit lang sa place namin, tapos mataas at madami yung reviews. At hindi kami na-disappoint. Masarap ang food nila.



Day 5 over. Lake Louise tomorrow!


AB-BC TRIP 2023 SERIES
Preamble: Bakasyon
Day 1: Calgary | Exploring Downtown + Meeting My Blog Pal + Shoppinggg
Day 2: Drumheller | Badlands + Best Poutine + Shopping Part 2
Day 3: Calgary | Downtown Core + My Favorite Library
Day 4: Banff | The Bulubundukins + Mystical Boat Tour + Bye Calgary
Day 5: You are here
Day 6: Banff | Heaven on Earth + Bye Banff!
Day 7: Vancouver & Richmond | Long Drives + Night Market
Day 8: Vancouver | Sweet Tooth + A Famous Clock + Sleepy Cats
Day 9: Richmond & Vancouver | Richmond Delights + 17,500 Steps
Day 10: Whistler & Squamish | Bungee Experience + Beautiful Whistler + Another Gondola Ride
Day 11: Vancouver | Rainy Forest + Foggy Mountain + Happy Hour
Day 12: Hinton | My Least Favorite Day, But the Mountains Made Up For It
Day 13: Jasper | Back to the Mountains + Wild Animals + Lake No. 5
Day 14: Jasper | Winter in Summer + Last Day
Epilogue: Jasper & Saskatoon | Official Last Day + Thoughts on Nature
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.



