Nasa Costco ako at tinitingnan ‘to:

Merong puti na lumapit sakin. Feeling ko in her 60s na sya. Tawagin natin syang Molly.
Molly: Are you looking for the expiry date?
Gleniz: No, I’m trying to see the sugar content.
M: What is it?
G: It’s 7 grams. Per piece.

M: Is that a lot?
The next words I’m about to say will sound annoying, but she asked for it.
G: For women, the recommended daily intake is 24 grams.
M: Oh, then that’s a lot. I’m not going to get it then.
G: *shy laugh* Sorry, I didn’t mean to—
M: No, I was eating 4 pieces a day. You just helped me.
Haha buti na lang na-cut off ako kasi hindi ko alam kung pano sasabihin in English pero ang gusto ko sanang sabihin, “Sorry hindi ko po sinasadyang basagin ang trip nyo.” Pero sabi naman nya tinulungan ko raw sya. Nadamay pa tuloy si Molly sa ka-KJ-an ko.

Speaking of KJ. Kinuha ko na ‘to at nasa cart ko na:

Pero ganito yung tumatakbo sa isip ko habang nag-iikot ako:
Bago ‘to. Ngayon ko lang ‘to matitikman. Tsaka favorite ko ang almonds!
Kaso milk chocolate. Tapos may toffee pa, sasakit ang lalamunan ko.
Pero parang sobrang saraaaap. Ito yung nakita ko sa desk ng officemate ko last month. Tapos na-curious ako kung anong flavor kasi hindi familiar yung packaging.
Pero sure akong sasakit ang lalamunan ko ditooo. Tsaka 14 grams sugar per 6 pieces! 😆
Nung sinubukan kong i-imagine yung pag-sakit ng lalamunan ko, binalik ko na sya sa shelf at nag-move on. Nung magbabayad na ko, nakita ko nanaman ‘tong si OMG! Pero sobrang proud ko na nilampasan ko sya. Next time na lang siguro pag alam kong may kahati ako kasi for sure papapakin ko yun at di ko mapipigilan ang sarili ko. Hindi safe ang presence nya sa bahay.

Ngayon lang uli kami nag-Costco at ang saya na nasa sasakyan lang si Kenneth because I am taking my sweet time. Wala akong kasamang nakakunot na nagmamadali. Wala ring kumokontra sa mga naka-plano kong bilhin. At masaya rin sya kasi pagbalik ko, sabi nya:
Kenneth: Ganun pala dapat.
Gleniz: Alin?
K: Ikaw na lang ang bababa tapos sasalubong na lang ako sayo pag tapos ka na.
Haha sobrang agree. Ang dami kong nakitang interesting pero di ko kinuha kasi di naman namin kayang ubusin. Siguro next month pag andito na ang family nya makakabili na kami ng bulk.




Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
