
Iba ang tama sakin ni Mary. Nakaka-ilang pages pa lang ako sa libro nya, bumili ako agad ng physical copy. Sobrang rare ko bumili ng physical copy ng libro. Nire-reserve ko lang sya sa mga librong sobrang nagustuhan ko at plano kong ulit-ulitin. Tapos Black Friday pa nun so ang mura nung hardcover, swerte.

Hays parang ang perfect lang nung pagkaka-discover ko sa kanya sa estado ng buhay at pananaw ko ngayon. Parang meron akong kaibigan na sobrang lalim magisip pero kino-communicate nya sakin in a simple and beautiful way. Gusto ko nang mag-summer kasi parang ang sarap basahin ng mga libro nya pag nasa outdoors ka tapos nature yung paligid.
Inuunti-unti ko yung libro nya kasi ayokong matapos agad. So kanina, nakikinig lang ako ng interview nya at lalo ko syang minahal huhu. Sobrang gusto ko yung mga insights nya about creativity, having a 9-5 job, religion, nature, and life in general. Ang sad lang na hindi ko na sya mami-meet kasi wala na sya sa Earth. Well andito pa rin naman talaga sya. She exists in her books and in people’s hearts.