Categories
Family Life

Halloween: Canada vs Pinoy Edition

Hinalungkat ko yung archives ko pero wala ako ni-isang November 1st na entry. Nakita ko kasi yung favorite artist ko na pinost nya yung Nov 1st journal entries nya through the years so gusto kong gayahin, pero yun nga, wala akong nakita. Gagawa na lang ako ngayon.

Canada

Wala namang special today. Hindi holiday dito ang Araw ng mga Patay. Pero nung weekend (Oct 30), pumunta kami sa isang Halloween event/attraction dito malapit samin, Heebie Jeebies ang tawag. Marami pang events tulad ng Haunted Forest, Boo at the Zoo, The Forbidden Forest, super dami pa. Pero Heebie Jeebies yung napili namin this year. In fairness, kahit di naman ako masyadong matatakutin, nag-enjoy ako.

Gusto ko yung overall vibe kasi na-capture nila yung spookiness. Nagustuhan ko rin yung mga creepy installations at free unlimited hot chocolate. Bale may apat na haunted house na iba-iba yung theme. Merong zombie, clowns, haunted farmhouse, tapos zombie rin ata yung isa.

Medyo limited ang experience ko sa mga haunted houses pero na-amaze kami dun sa zombie prison na attraction kasi nung una, indoor sya. The usual. Tapos after a few minutes merong door na paglabas mo, nasa zombie prison ka. Yung parang sa Walking Dead na may security tower. Parang ganito:

Haha parang ganyan. Di kasi pwedeng mag-picture. Basta ang cool. Feeling namin nasa zombie movie kami. Kaso ang konti nung mga zombies. Maganda sana kung may swarm of zombies for effect.

Yung isa pang notable attraction na sobrang haba ng pila ay yung may mga clowns. Hindi ako takot sa clowns kaya low ang expectations ko. Pero super kakaiba ng haunted house na ‘to. Meron kang dadaanan na masikip (tawag namin ni Kenneth ay ‘intestine’). Basta para syang masikip na opening na kelangan mong itulak yung tigkabilang side para makadaan ka. Sobrang nakakapagod kasi parang wala syang katapusan. Feeling ko nightmare sya sa mga claustrophobics. Tapos may bridge na kala mo gumagalaw pero hindi pala. Basta yun. Ang galing. Level up ang mga haunted houses dito.

Pilipinas

Gusto ko rin i-reminisce yung mga ginagawa namin pag Araw ng mga Patay nung nasa Pilipinas pa ko. Tanda ko halos maghapon kami sa sementeryo. Fun day for me ang November 1 lalo nung bata pa ko kasi:

  1. Maraming nagbebenta ng pagkain sa labas ng sementeryo. May Zagu, Greenwich, ice cream, etc. Mga paborito ko. Tapos hihiritan namin ang Mommy or Daddy na bigyan kami ng pera pambili. Huhu I miss you Daddy 😢
  2. May mga baon rin na snacks ang mga Mama at Mommy. Pero syempre mas gusto namin yung Zagu at Greenwich.
  3. Yung tita ko na lagi kong kalaro, may dala sya lagi na baraha tapos maglalaro kaming ungguyan, solitaryo, etc. Pag hindi kami kumakain, naglalaro kami. Kaya ang saya.
  4. Minsan ma-i-ispottan ko yung mga crush ko. Masaya rin yun.
  5. Pag busog na kami at bored na kaming maglaro, tulugan na. Tapos siksikan kami sa ibabaw ng puntod kasi kanya-kanya ng pwesto.

Ang ayoko lang na part ay pag yayayain kami ng Mama or Mommy na pumunta sa puntod ng mga hindi namin kilala. Ang init tapos maliligaw pa kami kasi magulo yung sementeryo samin. Wala akong pictures pero eto yung nakita ko sa internet.

Ngayon madaming pictures sa family group chat namin nung pumunta silang sementeryo para dalawin ang Daddy at iba pa naming kamaganak. Na-sad lang ako ng slight kasi wala ako dun kaya napa-reminisce ako.

Mommy, kuya and pinsans
Advertisement

One reply on “Halloween: Canada vs Pinoy Edition”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s