So good news. Naka-recover na ang Mama at Tricia. Kaso may nag-positive naman sa pinsan ko. Pero mukang okay naman sya. Mild case lang. Hays sana last na sya. Based sa nasasagap ko at based sa kaibigan namin na doktor, bumaba naman na daw ang cases. Sana magtuloy tuloy.
Sabi ko ipapahinga ko yung mata ko kasi kanina pa ko nakaharap sa screen. Pero parang di ako mapakali. Kaya nagsusulat ako dito ngayon.
Kanina bigla kong naisip yung bestfriend ko nung elementary at kung bakit kami nagkaron ng falling out. At kung pano sya nakaapekto sa attitude ko towards friendships. Pero saka ko na ikkwento. Naalala ko lang na naalala ko sya kanina.
Excited ako this weekend kasi makikita ko na yung baby ng friend namin dito. Kakapanganak lang nya last week ata. Magb-bake ako ng lactation cookies para may dala kami pagpunta dun. Nakakainis lang kasi nalimutan kong bumili ng chocolate chips kanina nung sumaglit ako sa No Frills. Ang tagal kong pinagisipan kung lalabas ba ko kanina kasi ang lamig na. Tapos nung nag-decide akong lumabas may nalimutan pa ko. Kakasura.
Inaantok na ko.
