So far, I’m doing a good job na hindi mag-scroll sa social media. Hindi ko alam kung kelan nagsimula basta bigla ko na lang ulit naisipan na burahin ang Instagram, Messenger at Facebook sa phone ko. Na-try ko na ‘to several times pero so far eto yung pinaka-successful. And yung amazing pa is, hindi ko sya nami-miss. Hindi ako hindi napapakali.
Burado yung mga apps sa phone ko pero nasa iPad ko sya. Pero ang maganda kasi sa iPad, malaki sya at mabigat. Hindi sya katulad ng phone na easy access. Tapos ang hirap pa mag-type sa iPad so nakakatamad gawin yung mga typical na ginagawa sa phone.
Pag nagch-check ako ng Instagram sa iPad, yun eh dahil gusto ko lang makita kung may bagong IG story or DM yung bunsong kapatid namin. Kasi kalimitan dun sya mahilig mag-chat hindi sa Messenger (ganun ata pag Gen Z) tapos gusto kong makita yung mga post nya kay Whiskey (pusa nila). As in yun lang ginagawa ko. Hindi na ko nagch-check ng feed at stories ng iba.
Sa rare occasion naman na mag-check ako ng FB, ganun din hindi rin ako nags-scroll ng feed ko. Check ko lang kung may importanteng notification tapos titingnan ko yung Memories para makapag-reminisce ng konti tapos yun na.
May healthier relationship na rin ako sa Messenger. Hindi katulad noon na maya’t maya yung pagcheck ko. Tapos yung mga My Day, yung sa mga kapatid at kamaganak ko lang yung tinitingnan ko. Yun eh pag trip ko lang maningin kasi minsan wala naman sa isip kong mag-check.
Wala akong strict rules simula nung dinelete ko yung mga apps na ‘to sa phone ko pero ganito yung nangyari. Nakaka-peaceful ng buhay. Hindi ako overstimulated tapos wala masyadong triggers. Nakakatuwa nga minsan kasi yung iba magse-send ng pictures ng baby or pet nila. Nakahalata ata sila na hindi na ko ma-social media. At least yung ganun mas special. Direct yung communication. At pinaalam ko na rin naman dati sa mga close friends ko na tawagan lang nila ko anytime since flexible naman yung oras ko.
Yung mas ginagamit ko ngayon eh Twitter at YouTube. Para lang maging updated sa latest crypto news. Minsan magt-tweet ako pag naisipan ko. Parang ngayon.
Yung pinaka amazing pala, I don’t feel like I’m missing out. Eto na ata talaga yung sinasabi nila na JOMO (joy of missing out).