Napapadalas ako dito sa blog ko kasi parang ang dami kong gustong i-kwento. Ang ibig sabihi ba non ay I’m living an interesting life kahit 95% of the time ay nakakulong lang ako sa bahay? Ang sayang isipin na hindi ako nabubulok kahit nandito lang kami lagi sa apartment.
- So ang isa dun, nagcecelebrate pa din kami ng monthsaries
Alam kong madaming nakokornihan or pwede ring bitter lang sila kasi yung partner nila KJ. Pero ako natutuwa ako. And alam kong si Kenneth din. So nung last monthsary namin (9yrs and 6mos), bumili ako ng cronuts. Mga ganyang tipo ng pagcecelebrate lang naman. Mostly bibili lang ng masarap. Ang sarap nung ferrero cronut!!!

Ang since matagal na kami at lumipas na ang kilig at magic at ang mga grand gestures, somehow, nareremind kami na maging extra sweet pag monthsary namin. It’s a monthly reminder kung gano na kayo katagal and the fact na magkasama pa din kayo.

- Shop news
Nakakatuwa nung araw na may dalwang umorder sa shop ko na ang total is $100. That’s a first. Sana araw araw ganun.

Going steady pa din naman ang online shop ko. May mga araw na walang orders may mga araw na sunod sunod. Pero hindi pa ko satisfied sa sales ko. Feeling ko may kailangan pa kong gawin.
- Super improved na ng screentime ko
Ayokong pangunahan pero kitang kita ko yung improvement sa pag-gamit ko ng phone simula nung sinimulan kong basahin yung Digital Minimalism na book. Life changing talaga. From 7-9 hrs/day ko sa phone, naging 2-3 hrs na lang. Sobrang woah.

Pero nga, ayokong pangunahan. But I am hopeful na mapapanindigan ko ‘to.


- Random pics






















