Minsan hindi ko talaga mapigilan maisip kung anong mangyayari sa art venture ko. Gusto kong isipin na ginagawa ko lang sya for fun. As a creative outlet kasi talagang meron akong satisfaction na nararamdaman pag nakaka-create ako ng something na matino. Kaso pag may nakikita ako na super successful sa creative business nila, gusto ko din maging ganun. So parang nap-pressure ako. Hanggang sa hindi na sya nagiging fun. Lagi akong naghahanap ng validation at nagiisip ng iba-ibang ways para masabi kong “I made it!”
Since wala akong magawa ngayon kahit nasa office ako at kelangan kong magtrabaho, nagbabasa-basa ako ng articles. Tapos may nabasa ako about sa “the gig economy”. About sa mga solo entrepreneurs. May na-mention about people na nagsimula sa hobby lang tapos super successful na ngayon. Bigla kong na-imagine kung pano kaya kung ako yun. Tapos di ako natuwa dun sa thought. Parang na-imagine ko na super busy ko tapos hindi na ako nag-eenjoy sa ginagawa ko kasi para sa clients lang lahat ng ginagawa ko. Imbis na ma-motivate ako dun sa article, parang nagka-urge ako na magslow down. Na wag i-pressure ang sarili ko na maging successful. Na truly i-enjoy ko na lang tong creative side ko. Yung impulses ko na “Sana dumami ang clients ko!” is nag-fade. Tingin ko good thing to sakin. Kase minsan yung utak ko hindi ko na ma-control parang and dami masyadong iniisip na hindi naman ganun ka-importante. Kaya siguro gustong gusto ko laging madistract kase kung hindi parang mababaliw ako. Non-stop kasi talaga ang utak ko sobrang sobrang dami kong iniisip mapa-past, present or future. Ang dami kong opinyon sa mga bagay-bagay at ang dami ko masyadong feelings. Overthinking to the max talaga. Kelangan ko na siguro talaga ng meditation.