Categories
Life

Bakit Hindi US?

From the drafts (2 years ago):

After ng oathtaking namin kahapon, may mga naisip lang akong kwento. Nung kaka-migrate pa lang namin dito sa Canada, na-wirdohan ako dun sa reaction nung isang certain friend na nasa Pilipinas. Bakit daw Canada. Bakit daw hindi US? Huh. Una, hindi ba ang normal reaction sa mga ganung sitwasyon ay, “Congrats!” or “Happy for you!” Pangalwa, coming from someone na nagbalak makapuntang Canada pero hindi naging successful, bakit may judgment? Sa isip ko, diba ikaw hindi ka nga naging okay pa-Canada tapos ita-try mo kong i-shame or ma-feel bad sa choice namin? Tsaka bakit kelangan kong i-defend yung choice namin? Weird. Minsan talaga may ma-eencounter kang mga tanong na sa sobrang unexpected, di mo alam ang isasagot. And this was coming from a super duper close friend (well, ex super duper close friend) kaya na-caught off guard ako.