November 28, 2025
Nabilisan ako sa buwan na ‘to. November felt like two things:
- Malapit na ang US barkada trip namin (our flight was November 7th)
and
- Tapos na ang US barkada trip namin (we flew back November 18th)
Pero since kasama namin si Benson pabalik ng Calgary, tapos lumabas pa kami nung 19th and 22nd, parang na-extend pa rin yung trip somehow. November 28 na ngayon, and I’m still writing about this recent trip of ours. Kakatapos ko nga lang manood ng isang LA vlog nung minsan. Needless to say, hindi pa rin ako nakaka-move on. Tapos next week, December na! Parang lumipad lang talaga yung November.





