Categories
Free Posts Insights Life

To Be.. Or Not To Be.. A Mother.

Meron akong ka-chikahan na friend. Kinekwento nya sakin yung conversation nila ng kapatid nya. Their shared complaint was, “Kelan ba sila magkakaanak? (kami raw and this other couple from our friend group) Tayo lang ba ang mahihirapan?? Hirap na hirap na tayo, etc…” Alam naman nya na decided kami ni Kenneth na ayaw namin magkaanak, but I think nabibilang sya dun sa group na nirerespeto nya yung ganung desisyon ng mga couples, pero hindi pa nya fully gets kung bakit. For them, being a parent is the default choice. Baka andun pa sya sa ganung level of understanding.

But it was enlightening. Sharing that conversation with me—between her and her sister—was an insight. May ganun palang thoughts ang mga nanay. “Mag-anak na rin kayo para mahirapan na rin kayo tulad namin.” I get it. I don’t take it against her. Totoo namang nakakapagbigay ng comfort pag may kasama ka sa paghihirap. Pero karamay na nya yung kapatid nya diba? Bakit lahat dapat kasali? Dun papasok ang, “The more, the merrier.” Haha.