Categories
Insights Life

My Favorite Love Language

As someone na ang favorite love language to receive ay words of affirmation, pakiramdam ko hindi ako ganun ka-satisfied kasi hindi natural kay Kenneth ang pagiging expressive. Napagusapan na naman namin ‘to, pero talagang may mga bagay na hindi kayang pilitin. Okay lang. Na-accept ko na. Kaya naman pag nakaka-receive ako ng compliments from other people, SOBRANG nakakataba ng puso. And because words of affirmation rarely come my way, sinunod ko yung napanood kong idea na gumawa ng album sa phone, with screenshots of messages from people expressing their appreciation and sending uplifting statements.