Categories
Ramblings

gusto ko

Eto yung mga araw na parang andami kong gustong gawin. Gawin ang mga gusto kong gawin sa loob ng isang araw. Gusto kong magbasa ng libro, gusto kong pumunta sa malayo, gusto kong mag-beach, gusto kong mangolekta ng seashells, gusto kong kumain ng masarap, gusto kong mag-bake, gusto kong manood ng series, gusto kong mag-tumblr, gusto kong mag-inom, gusto kong mag-videoke, gusto kong mag-sugal, gusto kong magpa-tattoo, gusto kong magpatayo ng bahay, gusto kong bumili ng libro, gusto kong mag-marijuana, gusto kong sumakay sa Hogwarts Express, gusto kong manood ng concert, gusto kong kumain ng Ben & Jerry’s, gusto kong gumawa ng pizza, gusto kong bumili ng water proof camera, gusto kong mag-bowling, gusto kong magsagot ng mga puzzles, gusto kong mag-drawing…

Pero ngayon, nakahiga lang ako sa kama. Walang ginagawa.