Sobrang daming geese kanina! Naririnig ko sila so binuksan ko yung bintana. Feeling Mary Oliver ako kasi napapansin ko, pag madaming geese sa sky at papunta sila sa isang direction, uulan. I’m sure maco-confirm ko ‘to sa Google pero ayoko. Natutuwa lang akong i-observe yung activity nila.
And true enough, after a couple of minutes, umulan nga. Ang sarap ng moment na ‘to. Kanina pa kong 6AM gising, 8AM na ngayon at tulog pa rin ang mga tao, gloomy at umuulan, pagsilip ko sa bintana, ang gandang tingnan nung orange-yellow-brown leaves ng mga puno, pinatugtog ko yung ‘No Lyrics Chill’ playlist ko sa Spotify, at ito, nagsusulat. Hays ang saraaaap.
