Minsan, I feel defensive sa desisyon naming hindi magkaanak. At yung minsan na yun ay ngayon. I think it’s due to some recent events, kasi ever present pa rin yung mga shocked reactions ng mga tao pag nalaman nilang wala kaming anak at wala kaming planong magkaanak. Siguro pag hindi ko na na-witness yung mga ganung comments and reactions, saka lang ako titigil magsalita tungkol dito. Since marami nang spokesperson ang mga parents, gusto ko naman maging spokesperson sa mga couples na nag-decide hindi maging parents, o kahit dun sa mga nagdadalwang isip.
One time habang nasa bakasyon kami, nakita ko yung meme na ‘to at naka-relate at natawa ako, so ni-repost ko.

Pero the moment na ni-repost ko, bigla akong na-conscious. Naisip ko, “Hala, baka offensive sya sa mga friends kong parents. Okay lang kaya yun?” Tapos naisip ko, my momshie friends post their babies all the time. They are proud to say, despite the hardships, how wonderful and fulfilling parenthood is. So hindi rin siguro masamang i-express, despite the judgment and criticisms, kung gano rin ka-wonderful yung kabilang side? Kaya with an anxious heart, I let it exist on my IG stories for 24 hours.
