Categories
Life Secrets

This is 35

You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Seven questions for my 35-year old current self:

1. When you were younger, what did you think 35 would look like?

Nung 25 ako, ang big deal samin mag-30. “Samin” kasi same sentiments kami ng mga officemates ko noon. Lahat kami in our 20s pa lang that time except for one workmate. Feeling ko sobrang annoyed nya sa mga reactions namin nung nalaman naming 30 “na” sya. Kasi kung maka-react kami kala mo ang tanda na ng ganung age. But it was also a pleasant surprise, kasi for us that time, hindi mukang ganun ang 30 y/o kasi ang ganda at fresh pa rin nya (ewan ko ba kung anong naiisip namin noon na itsura dapat ng 30). Sabi ko pa sa kanya, “Sana pag naging 30 ako ganyan din ako ka-batang tingnan” Tanda ko talaga yung pagka-sincere nung worry ko as a vain young adult. Pero nung nag-30 na ko, dun ko na-realize na bata pa naman talaga ang 30 at wala akong dapat ipag-alala.

Ngayong 35 na ko at napagdaanan ko nang maging 30 and up, isa na ko dun sa mga na-a-annoy pag may naririnig akong, “Huhu 30 na ko next year..” as if may mangyayaring masama pag na-reach mo na yung ganung age. But at the same time, I completely understand. I’m slightly amused even. Tumatawa na lang ako sa isip ko kasi pag susubukan kong i-explain na ang nonsense nung worry nila, hindi rin naman nila ko maiintindihan. May mga bagay talagang kelangan pagdaanan bago matutunan.

Simula nung nag-31 ako, nalilito na ko sa age ko. Kahit ngayon, minsan sasabihin ko 36 na ko pero hindi pa pala. Parang hindi na nagma-matter kung 32 ako or 34 or 36. Pakiramdam ko pare-pareho na lang yun. Pag malapit na kong mag-40 baka mag-pay attention na ko ulit.

My 25th birthday 😄
2. What are your non-negotiables now? What are things you no longer tolerate?