May mga certain moments na paggising mo, meron agad certain vibe yung araw. May mga days na flat, minsan warm, minsan masarap, minsan nostalgic. Yung ngayon, parang ngayon ko na lang ulit ‘to na-experience. Hindi ko masyadong ma-describe in one word, pero para akong college student na nagsusulat sa luma naming computer na lagi naming pinag-aagawan ng kuya ko. Nandito ako ngayon sa bahay namin ng asawa ko sa Canada, pero para akong nasa bahay namin sa Pagbilao. I’m trying to hold on to this atmosphere kasi ang calming sa pakiramdam. Tulog pa ang mga tao dito at ako lang ang gising. It’s just me and my floating mind and it’s 6:40AM. Pag may nagising, masisira na ‘tong fantasy ko.
Nakatulong din na may sakit ako ngayon. Everytime nagkakasakit ako, ang Mama ang una kong naiisip. Feeling ko andito lang sya tapos ipagluluto nya ko ng instant noodles. Minsan gusto ko kapag nagkakasakit ako. Kasi sa sobrang baba ng energy ko, walang time yung utak kong magisip ng kung ano-ano. Wala akong time mag-worry. Kaya kong pumikit tapos blangko lang yung isip ko. Dahil nahihirapan akong i-recall yung mga dapat kong gawin ngayong araw, pipikit na lang ako at ipapahinga ang isip. Walang self-judgment na ang tamad ko kasi masama talaga ang pakiramdam ko eh. Karapatan kong humiga lang at magpahinga.
Pinapakinggan ko yung bagong album ni Gracie Abrams na Daughter from Hell. Nakatulong sya sa vibe today kasi very relaxing yung boses nya tapos ang emo nung lyrics. Habang sinisulat ko ‘to, titigil ako every few sentences at pipikit. Ang hirap din palang magsulat pag may sakit. Second day pa ng period ko at ang sakit ng puson ko. Ang hirap mag-isip. Basta gusto ko lang i-capture yung umaga kasi ang special. Mawawala na ‘to mamaya. Okay, tatapusin ko na ‘tong digital capture ko kasi may gusto pa kong ibang topic na isulat. Babayu!

Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
