You have full access to this post because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Kung may plano kayong mag-Canada, o tamang interesado lang, matutuwa kayo dito. Dahil tumatagal na rin ako sa bansang ‘to, may mga bagay na bagong-bago sakin noon, na super normal na ngayon. Tanda ko noong isang winter at kakwentuhan ko yung kaibigan ko na nasa Pinas, pinaguusapan namin kung gano kalamig dito at nabanggit ko na, “May heater naman.” Tapos major react sya na, “Wowww heater!” Naguluhan ako sa reaction nya for a few seconds kasi sakin, sobrang na-normalize na yung ‘heater’ sa bokabularyo ko. Kung winter ba naman at ang range ng temperature sa labas ay 5℃ to -40℃, syempre araw-araw bukas ang heater namin. Pero para sa kaibigan ko na nasa Pinas, sobrang wild nung idea na magpapa-install ka ng heater sa bahay nyo. Yun yung isa sa mga moments na nari-realize kong unti-unti na kong nakaka-adapt dito.
Yung first few years ko, lagi akong nagko-convert from Canadian dollars to peso. Kahit ilang beses na kong sinasabihan ng tito ko na tigilan ko na ang pagko-convert, hindi ko magawa kasi automatic sya sakin. Tanda ko nung una nya kaming dinala sa Costco (parang S&R satin), kumuha lang daw ako ng kung anong gusto ko. Convert ako ng convert habang nakatingala sa mga presyo. Sabi ng tito ko, “O yan, $10 lang kunin mo na.” Sa isip ko, “lang” lang ang 400 pesos?? Pero dun ako nagkaron ng idea na, okay, so dito sa Canada, kapag $10 mura lang sa kanila yun. Pero sakin hindi. Sakin, ang $10 ay 400 pesos pa rin. Hanggang lumipas ang mga taon at inabot siguro ako ng 3 or 4 years bago naalis sa sistema ko ang pagko-convert.
Nakaka-amaze lang alalahanin na ang dami nang nagbago. Kaya bago ko pa makalimutan yung mga small but interesting moments noong newcomer pa ako dito sa Canada, isusulat ko na. Gusto ko lang din mag-paint ng picture kung pano ba ang buhay dito in relation to my old life sa Pinas. Dahil mahilig akong mag-categorize, I will separate my thoughts into different areas of life tulad ng cost of living, work culture, lifestyle, etc. This post is a comprehensive one kasi ang dami ko talagang masasabi about our lived experiences here—and some surprises na walang nakapagsabi samin bago kami mag-migrate dito.
Home Sickness
I think dito magandang magsimula. Pamilya ko kasi yung pinakamabigat na iniwan ko nung nag-move kami sa Winnipeg noong 2018. Pero inabot ako ng second year ko sa Canada bago ako sinampal ng katotohanan. Syempre nung hinatid kami ng mga pamilya namin sa airport, iyakang-iyakan ang lahat. Sobrang lungkot. Pero yung lungkot ko, may kasamang excitement. Bittersweet kumbaga. Wala sa concept ko na maho-homesick ako ng malala kasi buo naman ang desisyon ko na mag-migrate kami dito. Yung first year ko, aliw na aliw lang ako sa mga bagong nakikita at nae-experience ko. Ang taas ng curiosity ko kung pano ba ang buhay sa isang first world country. Nakatira kami sa family ng tito ko so may kasama pa rin naman kami na family.
Pagsapit ng Christmas 2019—pangalwang Pasko namin sa Canada—ayan na. Gusto ko nang umuwi. Nagdadalwang isip na ko sa mga desisyon ko sa buhay. Kino-consider ko na talagang bumalik ng Pinas. Tagos sa buto yung pagka-miss ko sa pamilya ko. Inggit na inggit ako sa mga pictures na sine-send nila sa family group chat. To the highest level yung FOMO na nararamdaman ko. Siguro kung pareho kami ni Kenneth na sobrang na-home sick, baka umuwi na talaga kami. Pero si Kenneth yung strong ng mga times na ‘to. Kung sino pa yung kontra nung una, sya yung talagang nag-enjoy dito sa Canada. Kaya naman andito pa rin kami. Siguro inabot ng 4 years bago ko completely nasabi na, “Dito na nga talaga kami.” May moment kasi na nagbakasyon ako sa Pinas at na-feel kong nami-miss ko naman ang Canada. Dun ko na-realize that I have two homes now.

With time, dun ko na lang napansin na unti-unti nang nababawasan yung intensity ng FOMO ko. Meron pa rin, pero hindi yung tipong magkukulong ako ulit sa kwarto at magiiyak during Christmas day. I handle my sadness better now. Meron din akong naging realization noong nasa phase pa ko ng homesickness depression ko: naisip kong buti na lang talaga (!!) sabay kaming nag-move dito ni Kenneth. Hindi ko ma-imagine kung pano ko kakayanin nang hindi ko sya kasama.
Social Scene
Ngayong nalampasan ko na yung major struggle na yun (homesickness) at nakikita ko na sya from a wider perspective, hindi pa rin mapagkakaila na mas masaya ang social life namin sa Pilipinas. Simula nung lumipat kami from Winnipeg to Calgary, wala na talaga kaming kamaganak dito kahit isa. Wala rin kaming long-time friends na nakakasama. Lahat ng acquaintances bago. Gayunpaman, it was a deliberate choice to move to this city. And I think kaya kami nakaka-survive ni Kenneth kahit absent ang family at close friends namin dito, ay dahil (for the most part) we enjoy each other’s company. We find comfort in each other. At siguro dahil optimistic kami na sooner or later, makaka-build rin kami ng deep friendships dito.
As long as there are people, there will be friends.
@mademoisellematcha
Nakaka-miss din talaga yung social life namin sa Pilipinas noon. Almost every weekend talaga kami nagkikita-kita ng mga kaibigan namin. Whether inom sa labas or tambay sa bahay-bahay, it was consistent. “San tayo sa Sabado?” It was automatic. Pero dahil puro bago ang friendships namin dito, wala pa yung ganung klaseng routine. At siguro dahil nasa ibang life stage na rin talaga ang mga tao—merong mga nagsimula nang maging parents, o kaya yung iba sobrang busy sa trabaho para makaipon. Nagsimula nang mag-shift ang mga priorities. Minsan proximity din ang dahilan kasi magkabilang dulo ang layo ng mga bahay, o kaya iba lang talaga ang trip ng isa’t isa.
Sa case namin, lumipat kami ng Canada na family lang ng tito ko yung kakilala namin. Sobrang laking tulong na may pamilya dito lalo na nung nagsisimula pa lang kami. Swerte rin kami kasi mababait yung family ng tito ko. May mga narinig kasi kami dati na mga horror stories about their relatives. Buti na lang hindi sila ganun.
Though may pagka-lonely at first kasi wala kaming ibang old connections, the wonderful thing I discovered was, kahit pala mangibang-bansa ka at wala kang kakilala, basta mapunta ka sa bansa na maraming Pinoy, eventually you’ll meet people who knows someone you know. Kahit kakilala ng kakilala ng kakilala pa yan, friendships could potentially start from there.
Daily Life
Groceries

Punta naman tayo sa something light. Ang number one talaga na naaalala ko nung newcomer pa ko sa Canada, ay nung pumunta kami sa grocery store. Na-amaze ako dun sa mga gulay kasi ang lalaki! Ang laki nung mga sibuyas, lara, kamatis, at patatas. Tapos yung mga itlog may stamp.

Napansin ko rin yung difference pagdating sa freshness ng mga karne. Tanda ko noon whether sa SM Supermarket o sa Rustan’s, pag bumibili kami ng manok, may slight na amoy. Minsan sa pork din. Basta merong distinct smell. Akala ko normal lang yun kasi kahit saang grocery store naman ganun. Pero dito walang amoy tapos hindi maputla yung mga karne. Naisip ko tuloy na baka yung mga binibili pala naming karne dati mga malapit nang masira 😂
Food and takeout
Hindi mo mami-miss ang Pinoy food dito kasi madaming Pinoy restaurants. Madali rin magluto ng Pinoy ulams kasi easy access din ang mga Filipino ingredients sa mga Asian stores tulad ng ampalaya, calamansi, atay, dugo, etc. Kaso yung calamansi dito sobrang mahal! Kaya most of time lemon na lang ang gagamitin mo para mas mura.
One thing na sobrang tumatak sakin at medyo matagal bago sya naging normal, ay yung pag-takeout ng pagkain sa restaurant. Kasi iaabot lang sayo yung container at ikaw ang magbabalot. Tapos yung paper bag na paglalagyan ng mga containers, minsan by request pa. Kahit sa mall, pag ang binili mo ay small item lang, hindi ka automatic bibigyan ng plastic bag. Madami pa kami ditong self-service moments na na-culture shock kami. Sabi ko nga kay Kenneth, na-spoil tayo sa Pinas.
Tipping culture
Sa Pilipinas hindi naman tayo sanay mag-tip. Pero dito it’s almost required. Kasi pag hindi ka nag-tip, rude ka na sa paningin nila. Since hindi nga ako sanay mag-tip, nasasayangan ako sa perang iti-tip ko. Kaya for the longest time, ang tip ko ay fixed na $1 lang. Masama pa ang loob ko non dahil nga nagko-convert pa ko. Ngayon, after several years, tumaas-taas na yung binibigay ko. Pero tipong hindi pa rin matutuwa yung server pag nakita nya kung magkano hehe. May nabasa pa ko noon na may nagsabi na kung hindi ka raw galanteng mag-tip, wag ka na raw kumain sa labas. Excuse me??
Basta ako naniniwala ako na it shouldn’t be up to the customers para magkaron ng living wage ang mga servers. Responsibility dapat ng employer na bigyan sila ng maayos na sahod at wag umasa sa mga tips ng customers.
Traffic

Sa part naman ni Kenneth, sobrang happy nya na nakawala na sya sa heavy traffic ng Maynila. Isa ‘to sa mga main reasons kung bakit mas gusto na nya dito. Dito naman sya na-spoil ng Canada. Kasi nung umuwi syang Pinas for the first time in 7 years, ayaw na nyang mag-drive. Hindi talaga sya nag-drive! Niloloko ko nga sya na ang OA nya, pero ayaw na raw nya talagang ma-experience yung lala ng traffic.
Na-discover nya rin dito na yung car wash at pagsalin ng gas ay self-service din. Tinawanan pa sya ng tito ko nung first time syang magsasalin kasi hindi sya marunong. In short, ang napansin ko dito, tuturuan ka talagang maging independent. Whether pagbabalot ng takeout or pagsasalin ng gas, don’t expect na may gagawa para sayo.
Yeah
May isa pa kong na-adapt na iniimik ko kahit yung conversation naman ay in Tagalog. Common sya sa mga katulad namin na matanda nang nag-migrate. Haha alam kong katawa-tawa sya at magki-cringe yung mga kaibigan namin sa Pinas. Eh kasi masasanay ka rin lalo na kung madalas kang may kausap na puti. Yun ay ang pagsagot ng “Yeah.” instead of “Oo.” Haha!
Sa work kasi syempre madalas English ka dun, eh pag tamad kang makipagusap sa puti, yeah ka na lang ng yeah para madali. Kaye-yeah mo, madadala mo na rin kahit hindi mo na sila kausap. Don’t worry wala pa ko dun sa level na, “Oh really??” instead of “Talaga??” Tingnan natin. Baka sa ika-15th year ko dito automatic maidagdag ko rin yan haha!
May isang instance na nasa Pinoy restaurant kami at naghihintay ng takeout. Medyo matagal kaming naghihintay. Nung finally inabot na ni ate kay Kenneth yung pagkain, sabi nya samin, “Pasensya na matagal.” Tapos sumagot si Kenneth ng, “No worries, ate.” TAWANG TAWA AKO! Cringe na cringe ako sa kanya haha! Kahit si Kenneth nagulat at sobrang nag-cringe sa sarili nya. Hanggang ngayon niloloko ko sya kasi hindi naman sya ganun mag-iimik.
“No worries, ate.” Hahaha!
Work Life
I have little complaints pagdating sa mga naging sahod ko dito sa Canada. It’s a given na mas malaki ang kitaan dito. What disappoints me is yung social aspect ng work. Satin kasi more often than not, yung mga katrabaho natin, nagiging mga kaibigan na rin natin. We often plan things outside of work—whether sasaglit sa mall pagkatapos ng trabaho or out of town travel sa weekend. Dito iba. After work, atat umuwi ang mga tao.
Nung nagta-trabaho pa ko sa Maynila, OA ang chismisan. Although hindi ko gusto pag nagiging toxic na, pero ang boring pala pag totally walang chismis. Maganda rin naman yung ganito na very professional lang ang lahat at naka-focus lang sa work, pero ang boring lang talaga. Yung mga pinaguusapan dito very surface level lang like the weather or weekend plans. Walang drama. Ayoko rin naman yung level ng drama na na-experience ko sa mga naging ka-trabaho ko sa Pinas, pero bigyan nyo naman ako ng konti.
Sa Taguig ako nag-trabaho noon. Sa Science Hub Tower 1 sa Mckinley Hill to be specific—so malapit sya sa Venice Grand Canal Mall. Nasanay ako na pag gusto ko ng change of scenery or maglibang-libang, maglalakad-lakad ako sa mall during lunch break or after work. Pag wala akong nagustuhang ulam sa office cafeteria, maraming food choices sa paligid. Pag may kailangan akong i-grocery, andyan lang yung Robinsons sa baba. Sobrang convenient. Plus ang ganda pa ng office space namin. Discounting the traffic, maganda rin yung location. Pleasing to the eyes kumbaga.

Noong lumipat kami ng Canada, sobrang taas ng expectations ko. Kung ganun kaganda sa Taguig, what more sa isang first world country?? Lahat nung nabanggit kong perks kanina, waley. Ang pangit nung office. Luma yung building. Walang office cafeteria. Kung wala kang dalang packed lunch, problema kasi ang layo ng mga kainan. Ang mahal pa ng food so mas mabuting magbaon ka na nga naman. Hindi rin maganda yung view sa labas. In short, very uninspiring. Super duper namiss ko ang Science Hub Tower 1.
Ang isa pang pinaka-hate ko sa work life dito, 30 minutes lang ang lunch break. As someone na mabagal kumain, surang-sura talaga ako huhu. At the end of the day, iisipin mo na lang na Canadian dollars yung kinikita mo. At kung pagiisipan kong mabuti, mas pipiliin ko na lang din ‘to kesa sa toxic work culture at sa mga toxic na naka-trabaho ko sa Maynila.

Cost of Living
Nakakatawa na halos lahat ng sinabi ko so far, parang mas dehado ang Canada. This category is no different. Pero hindi ko naman ‘to sinusulat para i-convince ang mga tao na lumipat dito. I just want to state the reality. Wala naman kasing nagsabi samin na ganito pala dito. Lahat ‘to nalaman ko from experience. Oo nag-research ako bago kami lumipad dito, pero puro positive lang yung nabasa ko. Hindi pa kasi ako marunong mag-Reddit noon eh.
Subscribe to continue reading
Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.

