Categories
Free Posts Insights Life

Lola Goals

During our weekly heart-to-heart session last week, merong tanong dun sa couples deck na:

What’s your ideal day pag nag-retire ka na?

So inisip ko yung mga gusto kong gawin pag lola na ko, which is:

  • magbasa
  • mag-journal
  • manood ng TV
  • mag-yoga at exercise
  • mag-cross stitch
  • mag-piano
  • magluto at mag-bake
  • mag-travel from time to time

Ine-enumerate ko yan lahat kay Kenneth at every three activities na sasabihin ko, mapapa-pause ako, matatawa, at sasabihin na, “Eh ginagawa ko na ‘to lahat!” Mas pinagana ko yung brain cells ko at nag-isip ng iba pa. Pumasok sa isip ko yung gardening. Okay. At least meron pa kong pwedeng gawin na hindi ko pa nagagawa.

This morning, as in paggising na paggising ko, nagkaron ako ng strong nostalgic feeling. Naalala ko yung college self ko na sobrang niro-romanticize yung buhay sa Maynila. Bilang probinsyana at minsan lang makapuntang Maynila, ang tanging connection ko lang noon sa Maynila ay yung mga teen magazines (Candy at Seventeen, minsan Cosmo) at yung mga favorite blogs ko. Ngayon, para i-satisfy ang aking nostalgia, pumunta ako sa mga lumang blogs na yun. Sadly, hindi na sila active lahat. Pero yung mga posts dun (between year 2006-2009) buhay na buhay pa rin. Ang sarap basahin.

Naisipan kong pumunta sa blog ko para makita yung mga pinakaluma kong posts. Maiigsi pa ang posts ko non kaya madaling pasadahan. Meron akong post from May 2012 at in-enumerate ko kung ano ang ‘perfect life’ for me:

Hindi ko alam kung maboboringan ba ko na in my mid-30s, dumating na ko agad sa point na nagagawa ko na sila lahat, at meron na rin ako nung mga major things sa wishlist ko. Napaisip rin ako na, baka kaya ako nagkakaron ng mga moments of existential woes, ay dahil feeling ko meron pa kong hinahangad, pero ang totoo, nandito na sila lahat. Yung pakiramdam ko may kulang pa, pero wala na pala. At ang nagpapasira ng lahat, ay yung pakiramdam kong yun.

Napapatanong tuloy ako. Masyado bang mababa ang pangarap ko? Kelangan ko bang mas taasan? Imagine, yung mga gusto kong gawin pag lola na ko, ginagawa ko na ngayon. Nakaka-disorient. Wala pa dapat ako dito. Bakit ang bilis dumating? Syempre nakakatuwa din naman. Nire-recognize ko ang kaswertehan ko. Maraming salamat universe! Pero sa kabilang banda, hindi ko mapigilan, pero nakakapagpabagabag.


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment