Categories
Life

My Mind Reader Cat

Last night’s dream:

Ang setting ay nasa palengke ako, naglalakad, nang makita ko ang Mommy (my lola) na nagtitinda ng gulay at isda. Except it wasn’t really Mommy. It was Mommy’s hologram projection (the work of AI). She had this pleasant wide smile at suot nya ang kanyang pambahay uniform: daster. Nandun din yung mga co-teachers nya sa bandang likod, nagtitinda at mga naka-daster din. I was aware that the co-teachers are real people and Mommy was just a projection, so lalampasan ko lang dapat.

Kaso may tiny hopeful voice na nagsalita, “But what if she’s real? What if buhay pa talaga sya?” So nag double take ako at naglakad papalapit sa Mommy. The co-teachers saw me approaching and said, “O, diba alam mo naman na hindi yan totoo? Bakit bumalik ka nanaman?” (nanaman?) Na para bang sinasabi nilang, “Alis ka na nini, wag mo nang saktan ang sarili mo.” Nakinig ako sa kanila at naglakad sa opposite side papalayo.

Nagising na ko, pero nakapikit pa rin ako. Inaalala ko yung panaginip ko at yung muka ng Mommy na smiling face at masayang nagtitinda. Nakapikit pa rin ako pero ramdam ko yung luha ko. Pagmulat ko, nakatingin sakin si Walnut. Hindi sya natutulog sa tabi namin kaya alam kong kakaakyat nya lang sa kama. Hindi ko sya naramdaman. Ang galing ni Walnut lagi maka-sense na gising na ko kasi konting unat ko lang, aakyat na yun sa kama. Pero extra magaling sya ngayon kasi hindi naman ako kumibo nung nagising na ko, ni hindi nga ako nagmulat. Ewan ko, feeling ko meron syang alam na hindi ko alam. I pet her and believed that she was there to comfort me.

Hindi ko pa rin malimutan yung panaginip ko. Nagpapakain ako ng mga pusa, lumuluha ako. Naiiyak ako dun sa part na alam ko namang hindi sya totoo, pero lumapit pa rin ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko yung pagkasabik na baka totoo at baka makasama ko sya ulit. At sobrang tumagos din yung realidad na hindi pala.


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment