Categories
Happy Things Life Secrets Vietnam

Happy Things #27 | Choir Days + Best Foot Massage + O’s

You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

The ultimate throwback

May pagka-bitter ako dahil wala akong video footage nung bata pa ako. Understandable naman kasi hindi naman uso ang mga smartphones noon. Pero tuwing nakakakita ako ng mga rare footage ng random people nung bata pa sila, nakakainggit. Tsaka pag nanonood ako ng Kardashians tapos ipapakita nila yung mga old videos nila, ang sarap lang panoorin. Very active ko pa naman nung elementary ako, ang dami kong extra-curricular activities na ang sarap sanang balikan.

Na-surprise na lang ako nung pinuntahan namin yung kaibigan ng Mama dito sa Calgary. Inimbitahan nila kaming mag-lunch sa bahay nila at may nabanggit si tita na pinapanood daw nila nung minsan yung mga lumang videos nila. Tapos andun daw ang Mama sumasayaw kasama yung ibang momshies. Tapos ako rin daw nandun (??) Wait. What?! Matutupad na ba ang wish ko? Haha!

Turns out, ka-choir ko pala yung anak ni tita at na-record nila yung isa sa mga performances namin. Nung una, ang nahanap nilang footage ay yung sumasayaw ang mga Mama, tapos nakalagay sa date stamp, September 1999. So nag-calculate na ko at if ever totoong nakasama nga ako sa video, 10 years old pa lang ako nun! Sobrang excited na ko. Pero ayoko pa masyadong mag-expect kasi baka wala naman ako or baka hindi na nila mahanap. Hanggang sa nakita ko na yung muka ko sa screen at tawang tawa na ko, and at the same time, super amazed. Ang cool. Thank you universe sa unexpected gift and thank you sa sosyal kong ka-choir noon na may camcorder! 😄

Periodt.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.