It’s 3:30AM at three hours na kong hindi makatulog. Kakabalik lang namin dito sa Canada two days ago at expected ko na yung mga ganitong nights na sira ang tulog ko. Medyo sabog yung utak ko ngayon pero na-miss kong magsulat dito. And I’m typing this on my new laptop! Well, technically hindi sya bago kasi laptop ‘to ng kapatid ko. Nag-switch kami ng gadgets. Nasa kanya na yung iPad Pro ko at nasakin na ngayon yung MacBook Air nya. Sakto kasi gusto ko nang magkaron ng bagong laptop na hindi na kelangan isaksak para lang mabuhay, at si Tricia naman, gusto nya ng iPad para daw madali syang mag-take notes when talking to clients.
Medyo miss ko yung iPad ko kasi araw-araw ko yun gamit. Kahit may TV kami, dun pa rin ako nanonood ng mga favorite vlogs ko, Netflix, and video podcasts. Dun din ako madalas magsulat ng blog posts. Pero since matino ‘tong laptop ng kapatid ko, pwede ko na syang dalhin anywhere. Yung luma ko kasing laptop parang naging desktop na dahil sira nga yung battery. Ipapamana ko na lang yun sa mga pinsan ko. Sobrang ROI na rin naman yun.
Nag-bat empty nga pala yung keyboard ng iPad ko nung nasa Pinas ako kaya hindi ako makapagsulat. Usually kasi tumatagal yun ng weeks kaya hindi ko na dinala yung charger. Nagulat na lang ako biglang hindi ko na magamit. Kaya sorry sa mga utang ko. Alam nyo namang nagbabayad ako ng utang (at excited na kong magbayad).
Di ko maalala kung nabanggit ko na pero kasama ko ang Mama pa-Canada. Yayyy! Busy ako ngayon kung pano sya i-entertain at mag-enjoy sa 1-month stay nya. Pero nauna pa sya samin pumasyal dito kasi galing na sya dito 9 years ago (7 years pa lang kami sa Canada). Kasama nya ang Mommy at Daddy (love and miss you both!) para bisitahin yung tito ko. Madami pa naman syang hindi napupuntahan kaya hindi na masyadong mahirap gumawa ng itinerary.

Na-miss ko ang Calgary. May mga times nung nasa Pinas ako na gusto ko nang makabalik kasi miss ko na yung bahay namin, worried ako na baka sobrang naiinip na si Kenneth, and I miss the kitties. Nanghihinayang din ako sa summer na wala ako dito kasi di mo mamamalayan winter na ulit. Nakakatamad na ulit lumabas. But every minute spent with the family is well worth it. Kasi hindi ko na ulit alam kung kelan ang next balik ko. Matagal-tagal pa siguro ulit.
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
