Categories
Life Secrets

(Late) Thursday Letter #8 | Mommy

You’re reading this because you’re a paid subscriber. Thank you! 🤍

Bilis ng mga pangyayari. Shocked pa ko na nasa Pilipinas ako ngayon. Parang may mali. Kasi hindi pa naman talaga ako dapat uuwi. Sa July pa ang grand family reunion namin. Kaso may mga bagay talaga na hindi maiiwasan. Ilang taon ko na rin ‘tong pinaghahandaan kasi matanda na rin ang Mommy (lola ko, nanay ng Mama). May mga times na bigla na lang papasok sa isip ko, pano kung magkasakit ang Mommy ng malala? Dapat ready akong umuwi habang medyo okay pa sya, at kaya ko pa syang alagaan bago sya kunin ng universe. Ayokong uuwi lang ako kung kelan huli na. And with her current health status, kelangan ko na talagang umuwi.

Mommy is not just my lola, second nanay ko talaga sya. Sobrang spoiled naming magkakapatid sa kanya, lalo na nung kami-kami pa lang ang mga apo nila. Kaming dalwa ng Kuya ang kanilang unang apos ng Daddy. Unang apong lalake, unang apong babae. Strict sya at medyo mataray, pero sobrang maalaga at mapagbigay. Punong puno ang childhood memories ko with Mommy. Lagi nya kong kabuntot. Sorry muna sa Mama, pero mas ramdam ko yung presence nya nung bata pa ko. Yung pag inaayusan nya ko ng buhok, yung mga times na sya ang nagpapaligo sakin (which I hate kasi sobra syang magkuskos ng buhok ko), sya rin ang punong abala sa pagpapatahi ng damit ko pag may activity sa school, extra baon, pag-enroll sa piano classes, pagkuha ng Math tutor, sobrang involved nya sa lahat ng aspeto ng buhay ko. Since medyo bata ang Mama nung nabuntis sya samin, nado-dominate ng Mommy noon yung pagpapalaki samin. Kaya pag sinabi kong ang Mommy ang pangalwang ina namin, I say it in the most literal sense.

Subscribe to continue reading

Become a paid subscriber to get access to the rest of this post and other exclusive content.