From the drafts (2 years ago):
After ng oathtaking namin kahapon, may mga naisip lang akong kwento. Nung kaka-migrate pa lang namin dito sa Canada, na-wirdohan ako dun sa reaction nung isang certain friend na nasa Pilipinas. Bakit daw Canada. Bakit daw hindi US? Huh. Una, hindi ba ang normal reaction sa mga ganung sitwasyon ay, “Congrats!” or “Happy for you!” Pangalwa, coming from someone na nagbalak makapuntang Canada pero hindi naging successful, bakit may judgment? Sa isip ko, diba ikaw hindi ka nga naging okay pa-Canada tapos ita-try mo kong i-shame or ma-feel bad sa choice namin? Tsaka bakit kelangan kong i-defend yung choice namin? Weird. Minsan talaga may ma-eencounter kang mga tanong na sa sobrang unexpected, di mo alam ang isasagot. And this was coming from a super duper close friend (well, ex super duper close friend) kaya na-caught off guard ako.
Pero recently, meron ulit nagtanong. Eto mas nice naman. Naniniwala talaga ko sa, “It’s not what you say, it’s how you say it.” Yung una kasi may pagka-antipatika talaga. Itong other person, nakatira sya sa US mismo at tinanong nya ko kung hindi raw ba namin naiisip lumipat ng US. Sinagot ko lang sya nung mga naiisip ko off the top of my head. Sabi ko nakakatakot yung mga nababalitang mass shootings sa US tsaka free ang healthcare dito. Marami pa kong naiisip pero di ko na inisa-isa. After ng conversation namin, na-confuse nanaman ako. What is everyone’s obsession with the US?? Kasi kung lilipat kami ng bansa at ganun lang kadali, sa Australia ko pipiliin kasi malapit sa Pilipinas. Or sa Switzerland kasi maganda raw tumira dun.
It’s as if the best and most obvious choice ay US. Hindi ba pwedeng marami namang magagandang options? Di ba pwedeng kanya-kanyang trip? Tinatanong ko ba sila kung bakit sila nasa US?? 🤣
Anyway, excited na kaming ma-receive ang Canadian passports namin para makapasyal na kami ng visa-free papuntang US. HAHAHA! Without a doubt, maganda rin nga sa US. Masayang pasyalan kasi maraming kamaganak at kaibigan. Pero yung dun titira? Baka hindi siguro.
Edit: Sinulat ko ‘to nung hindi pa kami nakakapuntang US—and obviously, ang taas nung asar ko habang sinusulat ko ‘to haha. At ngayong nakapasyal na kami sa US (New York at New Jersey pa lang), team Canada pa rin kami ni Kenneth so far. Pero sobrang na-enjoy namin yung vibes ng New Jersey kasi may pagka-similar sya sa Canada, tapos one bus ride lang pa-New York. Kung one day maisip namin na “US is the best!” at gusto naming lumipat, baka dun kami sa New Jersey.
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
