Napa-‘trip down memory lane’ ako nung may hinahanap akong book review ko. Every blog post kasi, merong link to the next post. Di ko namalayan pindot ako ng pindot ng next at nabasa ko yung mga old entries ko nung 2020. Nakakaaliw basahin yung mga ikinaka-excite ko noon and at the same time, yung mga dati kong hinanaings. Pero ang pinaka-napansin ko, halos lahat ng entries ko written in Tagalog. Lately kasi, mas nag-ga-gravitate ako sa English. Kasi gusto ko rin mapractice yung writing skills ko in English. Kaso mas ramdam ko talaga pag Tagalog. Mas naiikwento ko yung nangyari at yung emosyon ko ng maayos. Ewan. Nakakalito.
Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
