Categories
Free Posts Life

Relaks Pt. 2

I am sooo overwhelmed. Wala na kong work at hindi na ko pumapasok pero parang 18 hrs akong nagtrabaho kahapon. 3:30AM gising na ko. Sabi ko magmo-morning routine muna ako para kalmado ang simula ng araw ko, kasi alam kong madami akong aasikasuhin para sa paglipat namin. Pero nung napa-check ako ng e-mail ko, ayun, nagdire-diretso na hanggang 9PM. Parang ang dami kong adrenaline kahapon. Hindi ako nagugutom. Pag wala akong kausap at ka-email, maglilinis ako ng apartment. Akala ko mahaba yung magiging tulog ko kasi ang dami kong ginawa. Pero eto, gising na ko ng 4AM.

Ang dami kong kinausap, may mga magugulong kausap, nagsimula na kong mag-pack ng mga gamit namin, inayos yung mga kailangang ibenta sa FB Marketplace, at ang dami kong na-discover na mga kailangan pa naming gawin bago maka-move sa Calgary. And amidst all of this, iniisip ko rin ang Mama kasi kakatapos lang ng 5th chemotherapy session nya. I think pwede ko nang banggitin kasi nag-start na syang magpost about it sa stories nya. I’m so happy na nagkakaron na sya ng confidence na magsuot ng turban in public. Dati kelangan naka-wig sya kasi gusto nyang maging discreet as possible. Eh feeling ko nag-give up na rin sya kasi mas matrabaho ang wig, unlike pag yung turban na isang *shuk* lang sa ulo and then okay na.

Thankfully, okay naman ang Mama. Just like her previous sessions, she handled it very well. Pero ito na lang muna. One of these days baka maisulat ko kung gano ka-devastating yung simula ng lahat. Basta ngayon, she needs to rest and she’s okay.

Anyway, balik tayo sa bago kong unpaid full-time job with unpaid OT. Ganito pala bumili ng bahay. Kahit gano ka ka-prepared, ang dami mo pa ring hindi alam. Ganito ba talaga, o kulang lang kami ng mga tao sa paligid namin na pwedeng mag-guide samin? Kasi kahit anong tanong ko sa mga kausap ko na, “We’re new to this. Can you walk us through the step by step process.” Lagi pa ring may surprise. Tapos meron pang mga tao na ang inconsiderate na lalo pang pinapa-stress yung proseso. Gusto ko lang naman maging smooth ang pag-move namin as much as possible, pero bakit nyo ko pinapahirapan 😩 Sobra sobra na yung pagpipigil ko na wag maging sarcastic or wag ipakita yung frustration at annoyance ko. Kasi baka lalo lang magkaproblema. Pero minsan talaga hindi nila deserve yung patience. Lalo na yung dalwang mortgage brokers at property manager ng apartment namin, GRRR!

Sinasabi ni Kenneth na maghinay-hinay ako, na hindi ko naman kailangang gawin all in one day. Pero pano ako hindi mafi-feel rushed eh kailangan na naming makahanap ng papalit samin dito sa apartment para hindi kami magdoble-doble ng bayad sa rent at mortgage ng bahay. While it is true na may mga bagay akong ginawa na pwede ko namang ipagpabukas, I COULD NOT STOP. Hindi ako mapakali na merong pending. Gusto ko na syang matapos nung araw na yun. Automatic gumagalaw yung katawan ko to accomplish more stuff. Nung bandang hapon, nakakaramdam na ko ng numbness, tingling sensation sa buong katawan ko—bukod pa yun sa nervous tension na nararamdan ko sa dibdib ko all day. Dun lang ako nagstart mag-slow down. Kinakausap na ko ng katawan ko. OMG. Bigla kong naalala yung 2024 theme ko:

Open to life’s plot twists

Sabi ko non:


Next year is going to be big for us. Madaming magiging changes, madaming kaganapan. For next year’s theme, ang gusto ko lang sabihin ay: ‘Be more flexible.’ Pag meron kasi akong something na excited about and I’m really looking forward to it, tapos hindi matutuloy, babagsak talaga yung mood ko. I think lahat naman ganun pero yung sakin kasi medyo nagli-linger.

Unti-unti ko nang ina-apply ‘tong theme na ‘to last month, and I am proud na nagiging better na ko sa pag-adjust at modify ng plans para mag-fit dun sa new situation (sa mga “plot twists”). I think sobrang helpful ‘to sa mga magiging kaganapan next year, at feeling ko wala rin talaga akong choice kundi maging adaptable and less rigid. At sa mga sitwasyon na wala talaga akong magagawa, kung talagang minamalas, have acceptance kahit masakit
😣

OMG ulit. Sakto.

Hays. Okay. Hinga muna.

Wednesday ngayon. At nung pumapasok pa ko, off ko ang Wednesdays. So I will try my best na i-consider na off ko today. Though may mga naka-schedule na kong phone appointments mamaya, I will try my best na yun lang ang gawin ko. Unless meron talagang pressing matters na kailangan kong gawin today, yun lang yung gagawin ko and that’s it. I think I’ve done enough yesterday already to make up for today.

Edit: Joke time yung day off. Pagkatapos kong i-publish itong post ko, chineck ko yung listing ng apartment namin kung may nag-respond na. Ang dami na agad gustong pumunta para i-view yung apartment! As in ngayon agad. Natuwa naman ako kasi mukang makakahanap agad kami ng kapalit, pero pumunta agad yung isip ko sa, “Kailangan ko nang maglinis ng buong apartment.”

And ending, first half of the morning, linis linis ako. Tulad kahapon, di ko namalayan yung gutom ko. Linis lang ako ng linis, todo organize ng mga nagsipagpatong para magmukang maaliwalas yung apartment, at the same time, nagre-reply at nagco-confirm ng mga schedule ng gustong mag-view nitong unit.

Yung second half ng araw, real estate mode ako. “Hi, are you familiar with the area?” “Feel free to look around. Let me know if you any questions.” “Yes, all utilities are included.” Nakakapagooood. Ang sakit na ng ulo ko. Sabi ko 6:30PM yung last schedule para makapagrelax na kami sa gabi at makapaghapunan, tapos biglang may nagpahabol. Eh na-sense kong on the way na sila so pinagbigyan ko na. Buti na lang hindi ko sila ni-reject kasi big family pala sila. May baby tapos dalwang malikot na bata. Pero lalong sumakit yung ulo ko kasi hindi pala sila fluent sa English. So gumagamit kami ng Google translate to communicate tapos back and forth kami. Nevertheless, sana ma-approve sila. Or yung unang family na nag-view. Family of five rin sila at mukang kelangan na talaga nila ng malilipatan.

Ngayon, 10 yung dumating for viewing. Bukas, 12 people yung ini-schedule ko. Good luck to my small talk skills. Pahinga muna kami sa Friday. Sobrang busy talaga ng week na ‘to.


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment