Categories
Free Posts New York Travel USA

Vacation Hangover

Today is back to work day after a week-long vacation. Work became more bearable today kasi may hangover pa ko sa bakasyon namin. Fresh pa yung memories kaya mapapangiti ako every once in a while. Easily one of the best vacations we’ve had kasi ang ganda nung mga sights (kahit crowded), ang sarap nung food (UGH), we had good company (thanks friends and cousins!) at most importantly, hindi kami nag-away ni Kenneth—except for that one instance na very mild lang naman (buti na lang andun si Nick kasi napigilan yung init ng ulo namin).

Nung last day namin sa New York habang naglalakad kami sa busy streets, sabi ni Kenneth, “Ayoko pang bumalik.” Aww. Siguro kasi naiimagine na nya yung trabahong paparating. Ako naman sakto lang. Feeling ko yun yung saktong number of days ng bakasyon. Yung medyo bitin, na may halong gusto nang makabalik sa comfort ng apartment namin. Kasi pag masyadong matagal, sooner or later, mawawala na yung magical feeling ng bakasyon. Kaya bago pa mawala yung magic, kelangan nang umalis. Vacations are not meant to last.

Ngayon, e-enjoyin ko lang yung natitirang magic dust ng bakasyon namin. I’m in an overall good mood. Feeling ko walang makakapag-painit ng ulo ko. Papanoorin ko ulit yung videos ng concert ni Billie Eilish, magpo-post sa IG ng mga videos at pictures, at magre-reminisce with Kenneth about this amazing trip.


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment