
Ampangit ng simula ng 2024 ko. Daming nakaka-stress na tao, bagay, pangyayare (mostly tao). Ang pinapaulit-ulit ko sa isip ko, “Lilipas din ‘to, lilipas din ‘to.. Masyado akong masaya nung December kaya kailangan mag-balance.” Kaso pagdating ng 3rd week, “Bakit ang tagal naman mawala??”
Kahapon lang, naiiyak na ko sa office. Usually nagna-nap ako sa 15-minute breaks ko pero this time, pumwesto akong tutulog pero gusto ko lang talagang umiyak. Nasa harap pa lang ng computer naiiyak na ko, pero pinigilan ko, sa break ko na lang. Ewan ko, parang yung mga usually na nagwo-work na tactics, hindi gumagana. Overwhelmed ako masyado by my sad emotions. At ang deal namin ng sarili ko, pag may mga ganitong moments, mas mabuti pang iiyak ko na lang.
Habang nag-e-emote ako, pumasok sa isip ko ang pagluluto. Basta nung moment na yun, gustong gusto kong magluto. Siguro, at least pag nagluluto ako, I somehow get to have control and feel productive at the same time. Kaya super gets na gets ko na ‘tong TikTok video na ‘to and why people say cooking is therapeutic.
At nasusulat ko ‘to ngayon kasi okay na ko. Finallyyy!! Pagdating ko from office kahapon, ang balak ko hindi ako masyadong makikipag-interact, kahit kay Kenneth, at matutulog na lang ako agad. Kasi baka pahinga ang kelangan ko. Pero pagdating ko, ang kulit ni Kenneth. Kasi excited syang magsimula ng keto diet nya. G na G sya masyadong magkwento ng mga keto plans nya at nadala ako sa enthusiasm nya. Ayun bigla na lang naging okay.
Fast forward to ngayon, okay pa rin. Meron pa ring konti pero light na lang. Excited akong manood nung bagong reality series sa Netflix, Trust yung title. Nasa episode 4 na si Kenneth so kelangan kong humabol.
Sana mas okay ang simula ng 2024 nyo kesa sakin. Byeeeeee!

Discover more from Gleniz da Menace
Subscribe to get the latest posts sent to your email.
