Categories
Insights Ramblings

Babae Nanaman

Kausap ko last week si *secret* na super naging close ko na, at na-trigger talaga ko dun sa advice na binigay ng ninang nila sa kasal. Ughhh nakakainis talaga. Bakit ganun ang tinuturo nila sa mga babaeng bagong kasal?? Parang ganito yung advice:

I-make sure na presentable ang mga asawa natin kasi pag hindi sila presentable tingnan, nagre-reflect yun ng masama sa babae, na parang hindi natin sila inaasikaso at inaalagaan.

HUH?? Bakit kasalanan ng babae?? Napaka-double standard talaga. Para sakin ang harmful ng ganung advice kasi ramdam ko yung stress nya nung magkausap kami. Nakaka-pressure daw. She really took that advice to heart. Para ko na syang kapatid kaya nag-share ako ng mga thoughts ko about it, hoping na hindi na nya problemahin yung mga ganung bagay, or ma-lessen man lang.

Ang sakin lang naman, ang mag-asawa, madaming pagdadaanan yan. At kung pati fashion ng mga asawa natin ay po-problemahin natin, naaaksayahan ako sa time and effort. Imbis na gamitin na lang natin yung energy natin to focus on real important things (like better communication with our partners, building a strong foundation, learning how to compromise), nasasayang lang sa mga ganung useless na bagay.

Tsaka yung advice na ganun, very superficial. Walang ambag sa quality ng relationship. And again, double standard. Dehado nanaman ang mga babae. Sa marriage namin, ang role ko ay wife, hindi nanay. Tsaka bakit pag mukang losyang ang babae, hindi naman sinisisi yung lalake. Babae pa rin ang may puna. Ang hirap na ngang maging babae in this world (both in terms of our biology plus the rampant misogyny) tapos dadagdagan pa ng mga ganun. Grrr.

Nung nag-migrate kami sa Canada at namayat si Kenneth, nakatira pa kami sa family ng tito ko non at yung tita ko pa ang sobrang worried, na baka raw sabihin ng parents ni Kenneth hindi nila pinapakain ng maayos. Ako naman, wapakels. Alam ko namang kumakain si Kenneth, hindi naman nagbago ang eating habits nya, wala naman syang sakit. So ako, hindi ako nagpapapaniwala sa mga ganun. At kung sakali man na ganun nga ang isipin ng mga in-laws ko, na hindi ko inaalagaan ang anak nila, WALANG. PAKE. Alam ko naman kung anong totoo.

Pero nung nalaman ko ngayon na merong mga babae na sineseryoso yung mga ganung advice, dun ako na-trigger. Nakakaasar na ganun yung pinapasang values ng mga boomers sa mga kababaihan. Ang anti-feminist. Nakaka-frustrate. Nakakagigil. Pero, PERO. Hindi ko sila 100% masisi kasi yun lang din yung tinuro ng mga nakakatanda sa kanila noon. Wala pang internet non so stuck sila sa mga ganung ways of thinking. Sad lang na hanggang ngayon, hindi nila na-realize na ang flawed nung advice.

Noon pa man mabilis na talaga kong ma-trigger pag sinasabihan ako ng Mama na, “Ikaw ang babae kaya ikaw dapat ang chuchuchu…” Nung highschool pa kami at pinipilit kaming sumimba, sumagot ako na, “Bakit ang kuya hindi sumasama pagsimba??” Tapos ganun ulit ang reply, “Ay lalake naman yu-un!” Tapos sabi ko, “Sabi sa Christian Living: equality between men and women!” (kasi yun talaga yung lesson namin sa CL that time) Haha di sya sumagot pero yung muka nya parang sinasabi na, “Awan sa iyo kung ano-anong pinagsasasabi mo. Basta sumunod ka na lamang.”

Anyway, as a closing remark, women, please, let’s not further burden ourselves. As long as alam natin sa sarili natin na okay tayo, wag tayo masyadong maging concern sa image natin sa ibang tao. At yung ibang mga boomers, kung ano mang judgments at criticisms ang dinadala nila, hayaan nating sila ang magbitbit nun. Their negativity is not for us to carry. It’s their problem na judgmental sila, and it’s not our job to appease them. Personally, as long as okay kami ni Kenneth at nagkakaintindihan kami, that’s good enough for me. Bahala na sila basta love namin ang isa’t isa.


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

Leave a comment