Categories
Calm Life

A Generation of Crybabies

Umiiyak ako habang ine-explain kay Kenneth kung pano ko natutunang i-embrace ang pagka-crybaby ko. Hindi kasi aware si Kenneth na di porke’t umiiyak ako, negative na agad. Minsan kasi pag naguusap kami at may ine-explain ako sa kanyang intense moment, or pag nagshe-share ako ng feelings, may kasabay na pagiyak. Minsan positive naman yung rason (tulad nung kinekwento ko sa kanya na I feel loved pag mine-mention nya ko sa workmates nya) pero maiiyak pa rin ako. Basta anything na emotional, automatic iyak.

Ang Mama ko iyakin. Lahat kaming magkakapatid (kahit yung kuya ko na puro tattoo), iyakin. Mukang naipasa ng lola namin ang ‘iyakin gene’ kasi sya talaga ang ultimate crybaby. At recently, na-discover ko na yung pamangkin ko, iyakin din. May video kasi sya na nanonood ng concert ng Black Pink tapos yung muka nya sobrang nakahikbi, naiyak na pala sya sa sobrang saya.

Dati kine-question ko yung pagka-iyakin ko. “Bakit ba ang bilis kong maiyak??” Nakakainis kasi kahit bumabyahe ako sa jeep, kahit pigil na pigil na ko at ang sakit na sa lalamunan, kahit may katapat at katabi akong pasahero, talagang tutulo at tutulo pa rin. Humaharap na lang ako sa bintana as an attempt na hindi mapansin, at para matuyo ng hangin yung luha ko. Kahit feeling ko napapahiya na ko, wala eh, di ko ‘to mako-control. Ang iniisip ko na lang, “Mga hindi ko naman ‘to kilala. Pake ba nila sakin at pake ko sa kanila.”

Ngayon na may asawa na ko at happily married, wala na ko sa: “nag-away/break kami ng boyfriend ko” days, masaya ako na bumaba na yung posibilidad na maiyak ako sa jeep o bus o saan mang pampublikong transportasyon. As much as possible ayoko naman ng madaming audience pag nasa kalagitnaan ako ng pagiyak.

Since si Kenneth ang kasama ko sa araw-araw, sya ang madalas na receiver ng crying episodes ko. At feeling ko na-immune na sya. Kaya nakakainis minsan kasi sa mga iyak ko na kelangan ko talaga ng comfort, wala akong napapala. Hindi na nya ma-distinguish yung regular iyak sa kelangan-ko-ng-hug iyak. Baka kelangan pa nyang i-improve ang empathy skills nya. At baka kaya napunta kami sa usapan na ‘to.

So sabi ko nga kay Kenneth, na-embrace ko na completely ang crybaby gene ko. Kasi una, ang sarap kayang umiyak. It’s a release. At sabi nga sa podcast na napakinggan ko: it’s the path of least resistance. Pag nagpipigil ako, para akong tino-torture. Pangalwa at panghuli, mabilis man akong maiyak, mabilis din akong matuwa at matawa. Yes mababaw ang luha ko, pero mababaw din ang kaligayahan ko. I will take this as a gift.


Discover more from Gleniz da Menace

Subscribe to get the latest posts sent to your email.

One reply on “A Generation of Crybabies”

Leave a comment